Epekto sa Kalusugan Kapag Nasobrahan sa Kape
Maraming tao ang mahilig sa kape. Lalo na ang mga kailangang magising at magpuyat. Bagamat may mga magandang naidudulot ang pag-inom ng kape, kapag nasobrahan ang pag-inom nito ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan. Hindi naman kailangang itigil ag pag-inom ng kape ngunit kailangan ay huwag sobra-sobra. Kapag nasobrahan sa pag-inom ng kape, narito ang mga bagay na pwede mong maranasan
- Anxiety, palpitation at anger outburst. Mabilis nerbyosin, kabahan, iritable at nagiging magagalitin. Ito ay dahil ang kape ay isang central nervous system stimulant. Nagdudulot ito ng pagalabas ng adrenaline, dopamine at glutamate na nagdudulot ng fight or flight response sa ating katawan. Para maiwasan ito, maaaring uminom ng decaf na kape.
- Aantukin ka sa umaga matapos uminom ng maraming kape sa gabi. Kapag nawala na ang epekto ng kape sa katawan, aantukin ka at manghihina. Kapag nagpupuyat at umiinom ng kape, siguruhin na kumain din upang magkaroon ng lakas.
- Madalas kang maiihi kaya pwedeng madehydrate. Ang kape ay diuretic o pampaihi. Siguruhin na kapag uminom ka ng kape ay uminom ka rin ng tubig upang hindi ka madehydrate.
- Maaaring magtae o mas dumalas ang pagtae dahil ang kape ay laxative sa halos 30% ng mga tao.
- Nakakasira sa dami at kalidad ng tulog ang pag-inom ng kape. Maaari nitong sirain ang iyong biological clock.
No comments: