Alamin ang Pinag-aaralang Sakit na "Internet Gaming Disorder"


Ang "internet gaming disorder" ay kasama na sa mga "condition for further study" sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders 5 (DSM -5). Bagamat hindi pa ito official na sakit, layunin ng American Psychiatric Association na pag-aralan pa itong mabuti upang malaman kung maituturing ba itong sakit. 

Ayon sa DSM-5, madalas na nakikita ang internet gaming disorder sa mga kabataang lalake edad 12 hanggang 20 taong gulang. Mas madalas itong nakikita sa mga lalake sa bansang Asya kung saan kabilang ang Pilipinas kumpara sa North America at Europe. Narito ang ilang sintomas na maaaring makita sa isang tao na maaaring mayroong internet gaming disorder
  1. Palaging paggamit ng mga internet-based games na halos nauubos na ang oras ng isang tao sa paglalaro 
  2. Nagkakaroon ng withdrawal symptoms kapag hindi nakakapaglaro ng internet games. Nagiging balisa at hindi mapakali kapag hindi nakapaglaro. 
  3. Habang tumatagal, mas maraming oras na ang ginugugol nito sa paglalaro ng internet games 
  4. Sinusubukan ng isang tao na itigil na ang paglalaro ng internet games pero hindi niya ito mapigilan 
  5. Nawalan na ng interes sa pag-aaral at iba pang gawain at ang gusto na lang ay maglaro ng internet games 
  6. Patuloy na naglalaro ng internet games kahit alam nitong naaapektuhan na ang kanyang buhay tulad ng pag-aaral at relasyon sa ibang tao 
  7. Nagsisinungaling na o nagnanakaw ang isang tao para lang makapaglaro ng internet games 
  8. Naglalaro ng internet games ang isang tao para mawala ang anxiety o galit o para takasan ang mga bagay sa buhay niya
  9. Sumusubok ng mga risky o mapanganib na bagay para lang makapaglaro ng internet games

Muli, hindi pa official na kinikilang sakit ito at patuloy pang pinag-aaralan ng mga eksperto. Ngunit kung nakakitaan ng mga sintomas ang inyong anak lalo na kapag nagkakaroon na ng addiction sa internet games, maaari pa ring kumonsulta sa inyong doktor o psychiatrist para humingi ng tulong

No comments:

Powered by Blogger.