Paraan ng Pagshampoo sa Salon, Maaaring Magdulot ng Stroke


Ang posisyon ng ulo kapag nasa salon at nilalagyan ng shampoo ang buhok ay maaaring magdulot ng stroke. Maaaring magkaroon ng stroke kapag nakahiga ang tao at nakaliyad ang leeg nito habang nakapatong sa edge ng lababo ang batok. Maaari itong magdulot ng pagbaba ng daloy ng dugo na pumupunta sa utak na maaaring pagsimulan ng stroke. Lalo na sa mga matatanda na humihina na ang mga ugat, maaari itong maipit o masira.

Sa isang issue ng The Journal of the American Medical Association, limang babae edad 54 hanggang 84 ang nagkaroon ng neurological symptoms matapos magpashampoo sa salon. Ang pagkakabatak ng ulo at pag-ikot nito ay maaaring magdulot ng sintomas ng stroke. Kailangan ng dagdag na ingat lalo na ang mga matatanda na nagpupunta sa salon. Huwag masyadong matagal kapag shinashampoo ang buhok na nakahiga sa edge ng lababo. Huwag masyadong mababatak ang leeg dahil maaaring masira ang ugat sa batok na nagdadala ng dugo sa utak.

Kahit anong activity na nagdudulot ng hyperextension o pagkakabatok o pagkapalipit ng leeg ay risk factor sa pagkakaroon ng stroke. Kapag magpapashampoo sa salon, lagyan ng towel o unan ang iyong batok upang hindi ito diretsong nakapatong sa lababo at hindi rin maipit ang ugat.

No comments:

Powered by Blogger.