Paraan Para Lumakas ang Milk Supply ng Ina


May mga babaeng mahina ang paglabas ng gatas o matagal bago magkaroon ng gatas kaya naman hindi maaayos ang nagiging pagsuso ng sanggol. May iba't ibang bagay na nagdudulot nito tulad ng premature birth, obesity, high blood at diabetes ng isang babae. Ngunit narito ang mga tips para lumakas ang tulo ng gatas ng ina.
  1. Magpasuso agad. Huwag nang maghintay pa ng matagal bago pasusuhin ang sanggol. 
  2. Magpasuso ng mas madalas, mga walo hanggang 12 beses sa isang araw. Kapag mas madalang nagpapasuso ay nagpapahinga ito ng milk supply 
  3. Siguruhin na sakto ang bibig ng sanggol sa iyong suso 
  4. Magpasuso gamit ang dalawang suso dahil kapag isang suso lang ang ginagamit, magpapababa ito ng milk supply 
  5. Huwag magskip ng pagpapasuso. Kung hindi ka makakapagpasuso, mag pump ka ng iyong suso upang makakuha ng gatas 
  6. Mag-ingat sa pag-inom ng mga gamot dahil may mga gamot na nakakapagpababa ng milk supply tulad ng pseudoephedrine 
  7. Iwasan ang pag-inom ng maraming alak at sigarilyo upang mas lumakas ang milk supply.

No comments:

Powered by Blogger.