Epekto sa Kalusugan ng Labis na Paggamit ng Computer


Kapag gumagamit tayo ng computer ng matagal na oras, nagdudulot ito ng epekto sa ating kalusugan.
  1. Pananakit ng mata. Napapagod ang mata kapag matagal itong nakatutok sa screen ng computer. Kapag nakafocus ang mata sa computer, hindi gumagalaw ang mga muscles at ito ay napapagod at nasasaktan. Maaari itong pagmulan ng pananakit ng ulo. Para maiwasan ang pagkapagod ng mata, tumingin sa malayo o ialis ang tingin sa computer ng ilang sandali. Gawin ito ng regular para maipahinga ang iyong mata. Maaari ding gumamit ng anti-glare filter upang mabawasan ang screen reflections na nagdudulot ng pagkapagod sa mata.
  2. Sakit sa Leeg at Likod. Ang pagkakaroon ng bad sitting posture sa loob ng mahabang oras habang nakatutok sa computer ay nagdudulot ng neck at back pain. Para maiwasan ito, gumamit ng adjustable chairs upang mairelax ang iyong leeg at likod. Kailangan mas mababa ang keyboard kaysa iyong siko at ang monitor ay kalebel dapat ng iyong mata. Magbreak sa pagcomputer, lumakad at magstretch upang maipahinga ang mga muscles.
  3. Repetitive Strain Injury sa Kamay at Pulsuhan. Kapag magttype ka sa computer keyboard ng matagal at gumagamit pa ng mouse, maaari itong magdulot ng pananakit ng iyong kamay. Mas kilala ito sa tawag na carpal tunnel syndrome. Gumamit ng wrist-rest para may suporta ang kamay habang gumagamit ng computer. Ipahinga din ang mga kamay kapag matagal na gagamit ng computer.

No comments:

Powered by Blogger.