Masama ba Kapag Late-Onset ang Menopause?
Ang mga babaeng mas matanda na kapag nagmenopause ay nagkakaroon ng benepisyo sa kanilang kalusugan. Ayon sa Cleveland Clinic, ang menopause ay nagdudulot ng pagbaba ng estrogen at progesterone sa obaryo ng babae. Ito ay maaaring magdulot ng osteoporosis dahil ang estrogen ay pumuprotekta sa mga buto mula sa pagrupok at pagkasira. Habang nireregla ang babae at naglalabas ng estrogen ay protektado ito sa osteoporosis.
Ngunit ayon sa American Society of Clinical Oncology, tumataas din ang risk ng pagkakaroon ng cancer sa suso, obaryo at bahay-bata dahil sa matagal na exposures sa estrogen. Kailangan ng regular na mammograms, Pap smears at gynecological exam sa mga babaeng late na nagkaroon ng menopause.
Ang babae na nireregla pa din sa edad na 50 hanggang 60 ay kailangan na magpatingin sa doktor. Iba-iba naman talaga ang edad kung kailan magmemenopause ang isang babae. Ngunit may ilang kondisyon tulad ng obesity, abnormal na mataas na estrogen at thyroid disorder na maaaring magdulot ng late-onset menopause.
No comments: