Saang Lugar Mayroong Rheumatologist?
Ang isang rheumatologist ay isang espesyalista sa mga sakit na may kinalaman sa joints, kasu-kasuan, connective tissues at ilang mga internal organs. Ilan sa mga sakit na kadalasang ginagamot ng mga rheumatologist ay arthritis, gout, chronic back pain at lupus.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang 125 rheumatologists sa buong Pilipinas. Para matulungan kayong mahanap kung saang lugar mayroong rheumatologist, maaari niyong bisitahin ang website ng Philippine Rheumatology Association (https://rheumatology.org.ph/find-a-rheuma/). Mayroon silang listahan ng mga rheumatologists at lokasyon at oras ng kanilang clinics.
No comments: