Pwede bang Magkaroon ng Impeksyon sa Utak si Baby Mula sa Kiss?


Kamakailan lang ay nabalita ang isang sanggol na namatay mula sa viral meningitis dulot ng HSV-1. Ang HSV ay kadalasang nagdudulot ng butlig o pamamaga sa labi. Ayon sa magulang ng sanggol, nakuha umano ito mula sa isang taon na may herpes simplex virus infection na humawak at humalik sa kanilang anak. Namatay ang sanggol dahil sa sakit na viral meningitis. Ang meningitis at encephalitis mula sa herpes simplex virus (HSV) ay hindi madalas nakikita sa mga sanggol. Ang HSV ay common sa maraming tao. Kadalasan hindi nagkakaroon ng sintomas ang mga taong mayroon nito. Sa Pilipinas, mahilig tayong hawakan at halikan ang mga babies. Ngunit ligtas ba ito? 

Ayon sa mga eksperto maaaring makakuha ng impeksyon ang isang sanggol sa pamamagitan ng paghawak at paghalik sa kanila ng isang taong may infection. Maaari itong kumalat sa katawan ng sanggol at maapektuhan ang ibang bahagi ng katawan. Magiging delikado ang infection sa mga sanggol na isang buwan pababa pa lamang dahil sa hindi pa developed ang immune system o resistensya ng sanggol para maprotektahan ito sa inpeksyon. Kapag lumalala ang infection maaaring pumunta sa dugo ang mikrobyo at pumunta sa puso, kidney o utak at sirain ito.

Kung ipapahawak o ipapahalik ang inyong baby dapat na maghugas ng kamay para makasigurong malinis at ligtas. Maganda rin ang breastfeeding dahil nagbibigay ito ng antibodies sa mga sanggol na tumutulong upang labanan ang maraming sakit sa sanggol. Mainam din na kumpleto sa bakuna ang sanggol at nakakuha ng flu vaccines ang mga magulang upang hindi magkaroon ng flu at hindi rin mahawa ang sanggol.

No comments:

Powered by Blogger.