5 Simpleng Paraan Para Bumaba ang Iyong Timbang
Marami sa atin ang gustong pumayat upang maging mas healthy. Ngunit alam natin na mahirap itong gawin at karamihan ay sumusuko nalang. Malaking bahagi sa pagpapapayat ang disiplina sa sarili mula sa pagkain hanggang sa pag-eehersisyo. Narito ang ilang simpleng paraan na makakatulong sa pagbaba ng timbang.
- Magluto ng iyong pagkain. Mas makakasiguro ka sa kalidad ng mga pagkain kung ikaw ang magluluto. Mas mapaplano mo ang iyong kakainin at mas mababantayan mo ang dami ng taba, asin at asukal na nailalagay.
- Bagalan ang pagkain. Mainam na kumain sa loob ng 20 minuto dahil ito ang tagal ng oras upang maramdaman mo na busog ka na. Kung mabilis kang kumain marami kang makakain dahil hindi ka agad makakaramdam ng pagkabusog kaya kakain ka pa ng mas marami.
- Kumain ng agahan. Masama ang hindi kumakain ng agahan dahil mas napaparami ang kain sa tanghali at gabi. Mas maganda na mas maraming beses ang pagkain ngunit kaunit lamang ang dami ng pagkain.
- Matulog ng maayos at sapat na oras. Maraming pag-aaral na ang nagsabi na lalong tumataba ang isang taong kulang sa tulog. Kapag mas maikli sa anim na oras ang tulog, mas marami ang kinakain at mas kumakain ng hindi masustansya ang isang tao.
- Magtimbang ng sarili. Maganda na irecord mo ang iyong timbang upang malaman mo kung tumataba ka o hindi. Mas matutulungan ka nito na disiplinahin ang iyong pagkain kung nakikita mong lalo kang bumibigat.
No comments: