Ano ang sakit na Japanese Encephalitis? Mapanganib ba ito sa mga bata?


Kamakailan ay nagreport ang DOH ng 149 cases ng Japanese encephalitis sa Pilipinas. 22 kaso dito ay sa Pampanga mula Enero hanggang Agosto 2017.

Ang Japanese encephalitis virus ay ang sanhi ng viral encephalitis sa Asya. Isa itong virus na nakukuha mula sa kagat ng lamok. Kapamilya ito ng dengue. Madalas na naaapektuhan ng Japanese encephalitis ang mga bata. Ang sintomas at senyales ng Japanese encephalitis ay lagnat at sakit ng ulo. Kapag naging malala na ang sakit, maaaring makaranas ng mataas na lagnat, sakit ng ulo, stiff neck, nawawala sa sarili, coma, kombulsyon, pamamanhid ng katawan at pagkamatay. Halos 30% ng may malalang sintomas ay namamatay.

May bakuna para sa Japanese encephalitis ay makakatulong ito sa mga bata upang maprotektahan sila sa sakit. Kung gusto ninyo at may budget para dito ay maaaring namang magpabakuna. Kung kulang sa budget, maaari ding umiwas sa lamok upang maiwasan ang sakit na ito. Bagamat, maliit lang ang chance na magkaroon ng sakit na ito, mainam pa rin ang mag-ingat.

No comments:

Powered by Blogger.