Pag-inom ng Kape, Maaaring Nagpapahaba ng Buhay
Hindi lang nagpapagising sa atin ang pag-inom ng kape sa umaga ngunit ayon sa pag-aaral ay nakakatulong din ito upang humaba ang buhay. Ayon sa pag-aaral sa Hospital de Navarra sa Pamplona, Spain na nilahukan ng 20,000 middle-aged na tao mula sa Mediterranean region, ang pag-inom ng apat na tasa ng kape kada araw ay associated sa mas mababang dami ng mga namatay kumpara sa mga hindi umiinom ng kape. Mas mababa ng 64% ang bilang ng namatay sa mga taong umiinom ng apat na tasa ng kape kada araw.
Kailangan pa ng pag-aaral upang masiguro ang causation nito. Basta hinay-hinay lang sa pag-inom at huwag sosobra sa apat na tasa kada araw. Mas mainam ang brewed coffee kaysa mga instant coffee na masyadong mataas sa asukal. Ingat din sa mga laging nagpaplpitate at may altapresyon, hinay lang sa pag-inom ng kape.
No comments: