Dok, ilang buwan po ba dapat ang breastfeeding sa mga sanggol?
Napakahalaga ng pagpapasuso ng sanggol gamit at gatas ng ina. Ngunit nagiging problema ito ng ilang mga magulang na kailangang bumalik agad sa trabaho matapos makapanganak. Hindi naman lahat ay nakakapag-imbak ng gatas ng ina para ipasuso sa mga sanggol. Kaya nauuwi nalang sa formula milk ang mga sanggol na hindi kasing sustansya ng gatas ng ina.
Nakakatulong ang gatas ng ina upang mabigyan ng tamang nutrisyon, proteksyon sa sakit at lumaki ng maayos ang isang sanggol. Kailangan na magpasuso agad ang isang ina sa loob ng isang oras matapos itong manganak. Exclusive breastfeeding sa loob ng unang anim na buwan ng sanggol. Ibig sabihin gatas ng ina lang ang pwedeng inumin o kainin ng sanggol at wala ng iba pa. Hindi pwede ang tubig, solid food o iba pang liquid kung hindi ang gatas lang ng ina.
Kailangang ipagpatuloy ang breastfeeding sa loob ng dalawang taon ngunit pagkatapos ng animna buwan ay pwede nang magdagdag ng appropriate at adequate complementary foods. Ngayon, malaki ang problema kapag hindi ito nagawa ng isang ina. Maaapektuhan ang kalusugan ng isang bata na hindi sumuso sa gatas ng ina. Nagkakaroon sila ng undernutrition o kakulangan sa sustansya at ang epekto nito ay hindi na maibabalik. Nagiging stunted o bansot ang mga bata na nagdudulot ng mas mahinang resistensya kaya mas nagkakaroon sila ng sakit at nagkakaroon ng problema sa pagdevelop ng kanilang mga utak kaya mas nahihirapan sila matuto at maging matalino.
Kapag sila ay lumaki mas malaki ang posibilidad na mahihirapan silang magkaroon ng magandang trabaho, mas mababa ang kanilang sahod, tapos mataas ang fertility rates ibig sabihin marami ang anak at mas hindi sila nakakapagbigay ng tamang pag-aalaga sa mga anak nila. Dahil dito, naipapasa ang kahirapan at isang contributing factor dito ay ang kakulangan ng tamang nutrisyon dahil hindi nakapagpasuso ng gatas ng ina.
Source: Healthy Beginnings for a Better Society. Breastfeeding in teh Workplace is Possible - A Toolkit.
No comments: