ABS-CBN S+A airs NBA games and shows on Free TV
Filipino basketball fans will get to join the rest of the world in welcoming the 72nd season of the National Basketball Association (NBA) as ABS-CBN begins its free TV telecast of the world’s greatest basketball league with the LIVE airing of the much-anticipated Cleveland Cavaliers and Boston Celtics game at 8 am on S+A this Wednesday (October 18).
The game, which will have a same-day replay at 12 nn and on primetime at 10:30 pm on S+A, will be a great test for the Celtics’ new Big Three of Al Horford, Gordon Hayward, and Kyrie Irving as they face a retooled Cavaliers squad that has added former Celtics Isaiah Thomas and Jae Crowder, former MVP Derrick Rose, and former Finals MVP Dwyane Wade to help Lebron James reach his eighth straight Finals.
On Friday (October 20), fans will get a first taste of the Lonzo Ball experience as the Purple and Gold of the Los Angeles Lakers take on their cross-town rivals Los Angeles Clippers LIVE at 10:30 am, with a replay on primetime at 6 pm. The much-hyped second overall pick will have to lead a young team that includes Fil-Am star Jordan Clarkson against a Clippers team that still boasts of a formidable frontcourt of Blake Griffin and DeAndre Jordan, and ballyhooed international star Milos Teodosic.
On Saturday (October 21), the Joel Embiid-led Philadelphia 76ers will challenge the Celtics in the return of #NBASabaDos on ABS-CBN at 8:30 am with a replay on S+A at 11:30 am and on primetime at 6:30 pm on S+A. On Sunday (October 22), defending champions Golden State Warriors will take their Steph Curry and Kevin Durant shows to the Memphis Grizzlies’ den at the FedEx Forum to face Marc Gasol and Mike Conley LIVE at 8 am with a replay at 11:30 am and on primetime at 6:30 pm on S+A. Wrapping up the first week of NBA offerings on Monday (October 23) is Minnesota Timberwolves, featuring transferee Jimmy Butler versus the powerhouse Oklahoma City Thunder led by MVP Russell Westbrook and All-Stars Paul George and Carmelo Anthony LIVE at 7 am with same day replay at 12 nn and 6pm on S+A.
S+A programs are mirrored on S+A HD SKYcable 166 so fans can also catch the games in high definition on cable.
In an effort to provide local hoops fans with the complete NBA experience, S+A is also airing the popular basketball show “NBA Action” every Friday, Saturday, and Sunday at 1 pm, 11 am, and 10:30 am respectively. “NBA Inside Stuff,” meanwhile, will be up every Tuesday starting on October 24 at 8 am and 11:30 am.
S+A continues to be the leading sports channel in the country with partnerships with various leading sports brands such as the NBA, ONE Championship, and local collegiate giants NCAA and UAAP. ABS-CBN’s sports channel is also actively supporting Filipino athletes and sports development in the country through highlighting the values and inspiring stories of Filipino sportsmen on TV and mounting basketball and volleyball clinics in barangays to encourage kids to get into sports.
For more information and stories on the NBA, visit the ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com/nba and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter. Sports fans can join the conversation on social media by using the hashtags #NBAonABSCBN and #NBASabaDos.
NBA, MAPAPANOOD NA MULI SA ABS-CBN S+A
Kasama ng mga Pilipino ang buong mundo sa pagsalubong sa ika-72 na season ng National Basketball Association (NBA) sa pagsisimula ng pag-ere ng ABS-CBN sa free TV ng mga laro ng nangungunang liga ng basketball sa mundo sa Miyerkules (Oktubre 18), tampok ang laban ng Cleveland Cavaliers at Boston Celtics.
Mapapanood ng live ng 8 am sa S+A ang laban na may replay ng 12 nn at sa primetime ng 10:30 pm. Masusubok ang bagong Big Three ng Celtics na sina Al Horford, Gordon Hayward, at Kyrie Irving sa pagharap nila sa bagong Cavaliers na idinagdag ang dating Celtics na sina Isaiah Thomas at Jae Crowder, 2011 NBA MVP Derrick Rose, at dating Finals MVP Dwyane Wade para tulungan si LeBron James makarating sa kanyang ika-walong sunod na Finals.
Sa Biyernes (Oktubre 20), matutunghayan ng LIVE ng 10:30 am at may replay sa primetime ng 6 pm ang unang opisyal na laro ni Lonzo Ball para sa Los Angeles Lakers na haharapin ang Los Angeles Clippers. Pangungunahan ng second overall pick ang koponang kinabibilangan din ni Fil-Am star Jordan Clarkson kontra sa Clippers na ibibida pa rin ang tambalang Blake Griffin at DeAndre Jordan sa ilalim ng ring kasama ang international player na si Milos Teodosic.
Pagdating ng Sabado (Oktubre 21), haharapin naman ng Philadelphia 76ers ni Joel Embiid ang Celtics sa pagbabalik ng #NBASabaDos sa ABS-CBN ng 8:30 am na may replay sa primetime ng 6:30 pm sa S+A. Sa Linggo (Oktubre 22) naman, bibisitahin ng Steph Curry at Kevin Durant show ng Golden State Warriors ang Memphis Grizzlies nina Marc Gasol at Mike Conley sa tahanan nila sa FedEx forum na ipapalabas ng LIVE ng 8 am at may replay ng 11:30 am at 6:30 pm sa S+A.
Para magsilbing panapos sa pagbubukas ng NBA sa S+A, maghaharap ang Minnesota Timberwolves bitbit ang bagong lipat na si Jimmy Butler at ang mas pinalakas na Oklahoma City Thunder ng kasalukuyang MVP na si Russell Westbrook at mga All-Star na sina Paul George at Carmelo Anthony sa Lunes (Oktubre 23), 7 am ng LIVE at may replay ng 12 nn at 6 pm sa S+A.
Napapanood din ang lahat ng programa ng S+A sa S+A HD sa SKYcable ch. 166 kung kaya mapapanood din ang mga laro sa cable sa high definition.
Para bigyan din ng mas malawak na NBA experience ang mga Pilipino, mapapanood din sa nangungunang sports channel sa bansa ang “NBA Action” tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo tuwing 1 pm, 11 am, at 10:30 am. Samantala, mapapanood naman ang “NBA Inside Stuff” tuwing Martes simula October 24 ng 8 am at 11:30 am.
Patuloy na nangunguna sa bansa ang sports channel ng ABS-CBN na pinagkatiwalaan ng malalaking liga tulad ng NBA, ONE Championship, NCAA, at UAAP. Aktibo rin ito sa pagsuporta sa mga atletang Pilipino at pag-unlad ng sports sa bansa sa pagbibida sa mga kwento ng mga manlalaro na nagbibigay inspirasyon sa manonood. Nagsasagawa rin ang S+A ng basketball at volleyball clinics para sa mga kabataan.
Para sa mga balitang NBA, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com/nba at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Makisali sa usapan gamit ang hashtags na #NBAsaABSCBN at #NBASabaDOS.
No comments: