Empoy amuses readers in his book “Bakit Nakakakiliti ang Bigote?”

Saglit nagpahinga sa paggawa ng pelikula ang isa sa pinaka-busy na aktor ngayon na si Empoy Marquez para isulat ang ilan sa kanyang mga karanasan at kwento at pinagsama-sama niya ito sa kanyang unang libro mula sa ABS-CBN Publishing, ang “Bakit Nakakakiliti Ang Bigote?”





Excited na nga ang comedian sa bago niyang offering dahil mas makikilala ang tunay na Empoy sa librong ito. Anya, “dito n’yo makikita kung sino talaga ako. At umaasa akong mapapangiti kayo. Kwento at knowledge for your brains ang ambag ko.”

Ibinahagi niya ang ilan sa mga detalye sa kanyang personal na buhay. Kasama dito ang kanyang araw-araw na ritwal, kwento tungkol sa mga kaibigan, pagbanggit sa kanyang ‘totga’ o the one that got away, at iba pang kwento mula sa kanyang kabataan.

Kasama rin sa libro ang ilan sa mga Words for the Day ni Empoy tulad ng paborito niyang linya — ang ‘once in a blue moon.’ “Dati nung bata ako, once in a blue moon lang akong maligo,” masayang pagbabahagi ng aktor.

Mababasa rin dito ang ilan sa kanyang mga inuman at taxi ligtas tips, komiks, graphs at connections at iba pa. Sinagot rin ng “Kita Kita” actor ang mga kwelang tanong at nagbigay ng mga praktikal at sadyang nakakatuwang mga payo.

Bahagi rin ng libro ang “Empotify” section o ang kanyang suggested playlist ng mga awitin tulad ng “Estudyante Blues” ni Freddie Aguilar dahil anya, bagay ito “kapag napagalitan ka ng boss mo, at kapag wala pang sweldo.” Isa pang kanta na bahagi ng kanyang playlist ang “High and Dry” mula sa Radiohead na bagay raw pakinggan habang naglalaba.

Kabilang na si Empoy sa mga kilalang authors ng ABS-CBN Publishing tulad nina Alex Calleja, K Brosas, Alex Gonzaga, at Vice Ganda.

Bumili na ng nakakatawang “Bakit Nakakakiliti ang Bigote?,” available na sa leading bookstores at newsstands sa halagang P175.

























No comments:

Powered by Blogger.