Solusyon sa Altapresyon
- Magbawas ng timbang. Kapag kayo ay lampas sa timbang, mas tataas ang iyong blood pressure. Kung maibababa niyo ang iyong timbang ng 10 pounds, ay bababa din ang iyong blood pressure ng 10 points.
- Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong. Bawasan din ang pagkain ng noodles, daing, tuyo at sitsirya. Kapag ginawa niyo ito, siguradong bababa ang iyong blood pressure.
- Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Gawin ito ng 30 minutos hanggang 1 oras. Piliin ang ehersisyo na angkop sa iyong edad. Puwede ang jogging sa mga bata at paglalakad o taichi sa mga may edad.
- Matulog ng 7 hanggang 8 oras. Magpahinga at mag-deep breathing kapag ika’y napapagod.
- Magbawas ng trabaho. Ang sobrang daming ginagawa ay puwedeng magdulot ng high blood. Gawin lang ang sapat na trabaho sa isang araw.
- Huwag palaging magagalit. Posibleng tumaas ng
- points ang iyong blood pressure kapag ika’y galit na galit.
- Labanan ang init na panahon. Ang mainit na klima ay may epekto din sa may high blood. Uminom nang sapat na tubig sa isang araw. Umiwas sa araw at magpalamig.
- Mahalagang paalala: Hindi gamot sa high blood ang pagkain ng bawang o pineapple juice. Nakakatulong at masustansya ang mga ito pero hindi ito sapat para bumaba ang iyong presyon.
Para sa inyong personal na katanungan, kumonsulta po sa inyong doktor. Kailangan po masuri muna ng doktor bago magbigay ng gamot o payo. God bless and take care po.
No comments: