Tips Para Maging Malusog ang Baga
Kaibigan, heto ang mga bagay na magpapalakas sa ating baga:
- Itigil na ang paninigarilyo. Ito ang numero unong sanhi ng pagkasira ng baga. Magdudulot pa ito ng kanser sa baga.
- Umiwas sa usok ng sigarilyo. Kapag ang kasama mo sa bahay ay naninigarilyo, makukuha mo rin ang masamang epekto nito.
- Umiwas sa mga usok ng sasakyan at huwag din magsiga sa bakuran.
- Kung ika’y nag-mo-motorsiklo, magsuot ng helmet at face mask para hindi ubuhin.
- Mag-ingat sa peligro sa trabaho. Halimbawa, kung ang trabaho mo a bilang mananahi, welder o pintor, mag-ingat sa balahibo ng mga damit, usok ng welding at amoy ng pintura. Magsuot ng Personal Protective Equipment tulad ng face mask, goggles o helmet.
- Kung ika’y may allergy, umiwas sa pagkaing naka-a-allergy sa iyo.
- Siguraduhing malinis ang iyong kuwarto (walang alikabok at carpet) at malinis ang daloy ng hangin.
- Palakasin ang iyong masel sa dibdib. Mag-ehersisyo gamit ang 1 o 2 kilong dumbbell sa bawat kamay. Palakasin ang masel sa leeg, balikat at dibdib para mas makahigop ng hangin.
- Huwag umasa sa mga supplements para sa baga. Hindi pa ito napatunayan na epektibo.
- Kumain ng masustansya tulad ng mga prutas, gulay at isda. Matulog din ng sapat.
Kapag susundin ninyo ang mga payong ito, maraming sakit kayong maiiwasan. God bless po.
No comments: