Ano ang sakit na pterygium o pugita?
Ang senyales ng pterygium o pugita ay pagkakaroon ng pink na laman o fleshy tissue sa iyong mata. Pwede itong matagpuan sa may eyelid at pwedeng matakpan ang puti at itim ng iyong mata. Mukha itong nakakatakot pero hindi ito cancer. Pwede itong lumaki at matakpan ang iyong buong mata. Pwedeng makaranas ng parang magaspang sa loob ng mata, medyo makati at mamula at panlalabo ng paningin lalo na kung umabot na ito sa iyong cornea. Madalas na nagkakaroon nito ang mga taong laging babad sa araw, laging tuyo ang mata at laging nasa maalikabok na lugar. Kapag may sintomas na nararamdaman tulad ng pamumula ng mata o iritasyon sa mata, kumonsulta sa inyong ophthalmologist para mabigyan ng gamot. Kung tuluyan nang naharangan ng pterygium o pugita ang iyong paningin maaaring sumailaim sa operasyon para mawala ito.
No comments: