Bakit ba nagkakaroon ng kuliti?
Payo ni Doktor Doktor Lads
Ang kuliti ay tigyawat sa may talukap ng mata. Maaaring bumara ang mga bacteria o dead skin cells sa oil gland sa may pinagtutubuan ng pilikmata. Kapag nagbara ito, maaaring mamaga at magdulot ng kuliti. Mamumula ito at uumbok ng ilang araw. May pagkakataon na tumubo ang kuliti sa loob ng talukap ng mata. Hindi naman nakakabulag ang kuliti basta hindi lumala ang pamamaga at maiwasan ang impeksyon. Kadalasan ay kusa naman maaalis ang kuliti sa loob ng ilang linggo. Pwede maglagay ng warm compress sa loob ng 10 minuto tatlong beses sa isang araw para maiwasan ang pamamaga. Huwag titirisin ang kuliti lalo na kung madumi ang iyong kamay upang maiwasan ang impeksyon.
No comments: