Pwedeng Magkaroon ng Stroke Mula sa Pag-inom ng Energy Drinks
Pwedeng Magkaroon ng Stroke Mula sa Pag-inom ng Energy Drinks
Payo ni Doktor Doktor Lads
Madalas na umiinom ng energy drinks ang mga taong kailangang maging gising sa gabi. Minsan ay hindi na epektibo ang kape kaya naman umiinom na rin ng energy drinks. Ang mga energy drinks ay nagtataglay ng mataas na doses ng caffeine at minsan ay may taglay din itong iba pang mga stimulants. Nagdudulot ito ng anxiety, high blood pressure, heart palpitations, and caffeine intoxication and withdrawal.
Ayon sa mga doktor, may mga taong umiinom ng energy drinks na sinusugod sa hospital na mayroon nang stroke o pagdudugo sa utak. Ang stroke na ito ay maaaring dulot ng reversible cerebral vasoconstriction syndrome o RCVS. Ito ay ang biglang pagsikip ng mga ugat sa utak na nagdudulot ng pagkawala ng blood supply o pagdudugo sa utak. Bagamat ang RCVS ay reversible o pwedeng bumalik agad sa normal ang pagsikip ng ugat, may iilan na hindi nakakarecover at nagkakaroon ng stroke. Isa sa mga sintomas ng RCVS ay pagkakaroon ng sobrang sakit ng ulo sa loob ng ilang minuto. Pwedeng magkaroon ng pamamanhid at hindi maigalawa ang mga kamay at paa.
Bagamat rare o madalang ang nagkakaroon ng ganitong kondisyon dahil sa pag-inom ng energy drinks, mabuti pa rin na mag-ingat o limitahan ang pag-inom nito. Bukod sa energy drinks, may mga gamot din na pwedeng magdulot ng RCVS tulad ng nasa decongestants, ilang mga antidepressants tulad ng SSRI at mga gamot sa migraine.
Source: Cleveland Clinic
No comments: