Bata Nalungkot Matapos Hindi Tanggapin ng Kanyang Titser Ang Parol at Sabihin na Pangit ang Pagkagawa

Bata Nalungkot Matapos Hindi Tanggapin ng Kanyang Titser Ang Parol at Sinabihan na Pangit ang Pagkagawa.

Magpa-Pasko na naman at uso na ang  pasahan mga Parol sa paaralan. Ngunit hindi naging maganda ang naramdaman ng isang batang estudyante sa pinasa niyang Christmas Parol dahil sinabihan siya ng kanyang titser na pangit ang kanyang ginawa at mukhang basura.


Narito ang post ng ina ng bata tungkol sa nakakalungkot na pangyayari:

Masakit sa aking dibdib habang nakikinig ako sa aking anak. Gusto kong umiyak sa harapan nya pero pinipigilan ko lang kasi lumuluha siya habang nagsasalita sa akin.

Anak: Ma, may ikukwento ako sa iyo. Siguradong magagalit ka.

Ako: Ano ba yan? Kumain kana malapit na mag alas dose (Naghatid ako ng baon nya sa school)

Pagkatapos nya kumain, lumapit siya sakin. Lumuluha na ang mga luha sa mata.

Anak: Hindi tinanggap ni Ma'am ang parol ko (Umiiyak na)

Ako: Bakit naman? Anong problema?

Anak: Hindi ko alam...Sinabi ni Ma'am na di magandang idisplay daw sa kanyang room

Hayss.. Bumigat ang aking dibdib habang nakikinig sa aking anak.. kahit na naiiyak na ako kasi naramdaman ko ang kanyang pakiramdam..lalo na sinabihan siya ng kanyang sa harap mismo ng buong kaklase nya... Naawa ako s a kanya.

Ako: Ano klase na parol ang kanyang gusto? Recycled materials naman diba? Yung binili (parol) ba dapat?

Anak: Yung sa classmate ko na isa ang nagustuhan nya kasi sobrang ganda daw. Ibibigay ko nalang yun ma kay uday. Bumili nalang po tayo ng parol na ginawa na at maganda.

Nakakasama ng loob. Sana ma'am sinabi mo na may contest pala to... pagandahan.. at palakihan ng ginastos kasi naaawa talaga ako sa naramdaman mg bata na nagpakahirap maghanap ng mga 1.5 plastic bottles para may maipasa. Bahala na sana ikabit sa bandang dulo basta wag na lang sana tinanggihan ang pinaghirapan sa pagawa. Sinabihan pa ng guro na pakalat kalat (mukhang basura) lang daw yun sa doon sa room... haaaayy...

Ang sama mo naman ma'am... Nagbigay ka nalang sana ng gabay o guide para hindi mahirapan ang bata lalo na ang mga magulang sa paggawa ng inyong recycle-recycle na parol. Sinabihan mo pa na ang kanyang parol ay bagay lamang ikabit sa bahay. Hala no? Grabe ka talaga...As in..Alam mo ba ma'am pinaghirapan talaga yan gawin, sana inappreciate mo nalang kasi nakagawa ng isang recycled na parol.

Sa sunod nga na magpagawa ka ng recycled na parol mag instruct ka ng maayos ng parol na hindi nakakapangit sa room. Yung hindi magmukhang basura or makadagdag sa basura. Yung parol na pwede sa mansyon kasi sabi mo pang kubo lang ang parol na aming ginawa. Aanhin namin ma'am.. Kubo lang ang aming bahay hindi tulad ng sa inyo.

No comments:

Powered by Blogger.