ABS-CBN, Kalapati Na Lang Umano Na �NAKIKIPALABAS� Sa Mga Local Cable Channel Ayon Kay Jay Sonza


Sa muling pag-ere ng ilan sa mga programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel, mayroon na namang mga banat na inilabas laban sa kanila ang dating broadcaster ng ABS-CBN na si Jay Sonza.

Dati mang broadcaster ng nasabing network, magmula ng pumutok ang isyu tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN ay naging bukas na si Sonza sa paglalahad ng mga umano�y nalalaman niya laban sa dating TV network na kinabilangan.

Sa mga ibinahagi nitong mga Facebook post, direktang pinatatamaan ni Sonza ang ABS-CBN tungkol umano sa kasalukuyang kondisyon ng TV network.

Matapang pang patutsada ni Sonza sa naturang TV network,

�kapamilya network. dating dambuhalang ibon ng brodkasting, kalapati na lang na "NAKIKIPALABAS" sa mga local cable Channel.�

Bagama�t muli nang umere ang It�s Showtime, ASAP, at ilan pa sa mga programa ng ABS-CBN, hindi pa ito libreng napapanood.


Ayon kay Sonza, ang ABS-CBN umano ay nakipag-usap at nakiusap umano sa CIGNAL TV upang mabigyan sila ng channel na maipapalabas umano nito ang kanilang mga programa.

�I never imagined that broadcast giant ABS CBN would one day be block time buying in another network. ANG KAPALARAN NGA NAMAN OO,� mainit pang patama ni Sonza sa Kapamilya Network.

Nitong ika-15 ng Hunyo, sa isang tweet ng CIGNAL TV ay mukhang pinatotohanan nito ang balita ng pakikipagnegosasyon ng ABS-CBN sa kanila.

�We are still in discussions with ABS CBN, we will keep you posted. Stay tuned on our website or social media accounts for updates,� saad pa nito.

Maliba dito, mayroon pang ibang mga banat na inilabas si Sonza tungkol sa ABS-CBN.


Ayon sa kanya, malamang daw matapos lamang ang tatlong buwan ay hihinto rin umano ang ABS-CBN sa pag-ere dahil sa gagastusin.

Sa isa namang Facebook post, saad ni Sonza,

�Patuloy sa panlalansi at panlilinlang ang abs cbn network sa pagsasabing babalik na sila sa ere ngayon.

�They are merely content provider of their own illegal cable and telecoms business. They will now offer it free to local cable providers to entice them and later charge these providers for subscription.

�Ang katotohanan - Hindi sila umeere (not on the air) sa himpapawid o sa TV na may antenna. Sila ay lalabas sa kanilang sariling illegal skycable channel 2 o KBO-TV plus na binansagang nilang kapamilya CABLE channel (may bayad/bumili ka TV plus o kbo/pakabit ka ng skycable o skydirect).

�Hindi po sa FREE TV (libre/walang Bayad)  na Channel 2 VHF dahil wala na sa kanila ang nasabing himpilan at kumpiskado na ng NTC o gobyerno.


�Pabayaan na natin silang lokohin ang sarili nila. After 3.months susuko rin iyan dahil tiyak hindi sasapat ang kikitain nila sa gagaatusin nila.�

Ayon naman sa iba, ang muling pag-ere ng ilan sa mga programa ng ABS-CBN ay nangangahulugan din ng muling pagkakaroon ng trabaho ng ilan sa mga empleyado nito.

Kaya naman, mabuti nalang din umano ito at kahit papaano ay muking kikita ang mga nawalan ng trabaho nang magsara ito.

Kahit na limitado lamang ang pag-ere ng TV network at hindi pa available sa Free TV, mabuti na lamang umano ay gumagawa pa rin ito ng paraan upang mayroong maipalabas sa madla.

Source: PEP

No comments:

Powered by Blogger.