Mommy Pinty at Mommy Divine, Nagkasagutan Daw Sa Twitter?


Hindi maitatanggi ng sinuman na dalawa sa pinakasikat na mga nanay ng artista ay sina Mommy Pinty at Mommy Divine.

Si Mommy Pinty ay ang mommy nina Alex at Toni Gonzaga na kadalasan ay lumalabas sa vlogs ng magkakapatid.

Si Mommy Divine naman ay ang mommy ng Popstar Royalty at ngayon ay kasal na kay Matteo Guidicelli na si Sarah Geronimo.

Ang dalawang mommy na ito ay kadalasan ding trending sa magkaibang dahilan.

Si Mommy Divine ay minsan nang naging paksa sa social media dahil umano sa pag-eeskandalo nito sa naganap na kasal ni Sarah at Matteo.

Marami dito ang hindi nagustuhan ang pagiging sobrang protective ni Mommy Divine kay Sarah na naghantong sa sekretong pagpapakasal ng anak.


Kasalungat naman ng pagiging trending ni Mommy Divine ang dahilan ng pagiging trending ni Mommy Pinty.

Madalas trending ang mommy ng Gonzaga sisters dahil naaaliw ang mga netizen sa pagiging nanay ni Mommy Pinty.

Natutuwa ang mga ito sa pagiging natural ni Mommy Pinty kaya nakaka-relate ang maraming mga netizen sa paraan ng pagiging nanay nito kina Alex.

Ngunit, kamakailan lang ay pinagkatuwaan sa Twitter ang dalawang sikat na mga mommy.

Sa Twitter, madalas ay nagkakaroon ng mga parody account ang mga sikat na tao gaya ng mga artista.

Hindi naman ligtas dito ang mga mommy ng artista na sina Mommy Divine at Mommy Pinty.

Bagama�t hindi totoo, pinagkatuwaan pa rin ng mga netizen ang nangyaring word war sa dalawang mommy.


Nagsimula umano ito ng batiin ni Alex sa isang tweet ang kanyang ate Toni sa wedding anniversary nito kay Paul Soriano.

�Happy Anniversary PAULTIN!!! Thank you for giving us Seve. Please give us quaranTINA ang baby nagawa hopefully ngayong ecq. Love u both,� saad pa ni Alex sa kanyang tweet.

Sumagot naman sa twitter post na ito ang parody account ni Mommyn Pinty na sinundan din ulit ng pabalang na sagot ng parody account ni Mommy Divine.

Hanggang sa tuluyan na ngang nagpalitan ng tweet ang dalawa na ikina-aliw naman ng mga netizen.

Heto ang nakakatuwang palitan ng tweets ng umano�y sina Mommy Divine at Mommy Pinty:

Mommy Pinty: Happy Anniversary, kelan ba masusundan si seve?

Mommy Divine: pag nabuntis ka pa

Mommy Pinty: Magpapabuntis lang ako pag bumalik na si sarah sa bahay nnyo

Mommy Pinty: hindi nakakaunlad ang inggit� matamaan na ang matamaan, kaya WAG AKO!

Mommy Divine: Naku Pinty itulog mo na yan at sasali ka pa sa vlog ng anak mo. You know. Extra kita hahaha



Mommy Pinty: kesa sa WALANG KITA tulad mo kase WALA NANG ANAK

Mommy Divine: I have a farm

Ilan lamang ito sa mga palitan at iba pang mga nakakatawang tweets ng parody Twitter accounts nina Mommy Pinty at Mommy Divine.

Trending agad ang mga ito at kumuha sa atensyon ng marami sa social media.

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa mga tweet na ito at nagkaroon pa ng kampihan sa dalawang panig.

Source: mostrendingph

No comments:

Powered by Blogger.