Philmar Alipayo, Nagsurfing Kasama Ang Anak Nila Ni Andi Eigenmann Na Si Baby Lilo
Masayang-masaya at proud na ibinahagi ng professional surfer na si Philmar Alipayo ang unang pagkakataon umano nito na magsurfing kasama ang anak na si baby Lilo.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Philmar ang video ng naturang pagsusurfing niya kasama ang anak nito sa aktres na si Andi Eigenmann.
�Soo happy! Lilo�s first surf at 10 months. Can�t wait for more surf with me. Next time better video quality,� caption pa dito ni Philmar.
Si Baby Lilo o Keliana Alohi Eigenmaan Alipayan ang cute na cute na unang anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Marami naman ang natuwa at namangha sa naturang video ni Philmar ng pagsusurfing kasama si baby Lilo.
Mangha-mangha ang mga ito dahil sa tapang umano ni baby Lilo sa pagsu-surf. Cute na cute rin ang mga netizens na ito sa naturang video ng mag-ama.
Bagama�t hindi kita sa video, siguradong tuwang-tuwa at nakangiti umano si baby Lilo sa pagsusurf nito kasama si Philmar.
Professional surfer si Philmar at kilala na sa larangang ito dahil sa galing niya sa pagsu-surf. Naging kampeon na rin ito sa internasyonal na mga kompetisyon sa surfing.
Kaya naman, marahil ay gusto rin ni Philmar na mahalin ng kanyang anak ang larangan na pareho nila ngayong minamahal ni Andi� ang surfing.
Ngunit, kahit isang professional surfer si Philmar, mayroong iba na nag-aalala pa rin umano sa kapakanan ni baby Lilo habang nagsu-surf.
Hindi kasi nakasuot ng life vest si baby Lilo sa naturang video na para umano sa kaligtasan ng bata.
�Omg! Super galing and what a brave Lilo! But� Please let the baby wear a life vest next time, just for safety. I know you�re a great surfer,� saad pa sa naturang komento.
Tama rin naman umano ang pahayag na ito ng naturang netizen kaya marami ang sumang-ayon dito na dapat magsuot ng life vest si baby Lilo.
Kaya naman, sinagot ni Andi ang naturang netizen at ipinaliwanag ang video. Sinigurado rito ni Andi na safe naman umano si baby Lilo sa pagsu-surf kasama ang ama.
Hindi umano nila hahayaan na mayroong mangyaring masama sa kanilang anak. Gayunpaman, nagpasalamat pa rin si Andi sa concern umano ng mga netizen.
�Please trust that Philmar is the professional and that we won�t let anything bad happen to our child and that we know what we are doing�
�But thanks for the concern,� saad pa ni Andi.
Gayunpaman, mas marami pa rin naman ang nagpaabot ng tuwa at pagkamangha sa video na ito nina Philmar at baby Lilo.
Kahit nga ang beauty queen at nahilig din sa surfing na si Katarina Rodriguez ay natuwa rin sa pagsu-surf ni baby Lilo.
Heto pa ang ilan sa mga komento na iniwan sa Instagram post na ito ni Philmar:
�Awwww ang cute ni Lilo� ang brave brave niya.�
�Luck Lilo! Wish there�sa zoom camera to see her facial expressions. She must have the biggest smile.�
�Ugh!!!! This is what I am talking about, peace and simplicity. Happiness and bliss.�
�Aaaww! Ang ganda naman ng playground ni Lilo!�
Source: instagram
No comments: