Lalaki Na Nag-iwan Ng Comment Na �I Love You� Sa Larawan Ni Sue Ramirez, Nahuli Ng Girlfriend!
Isang lalaking may kasintahan ang nahuli sa akto ng kanya mismong girlfriend na nag-iwan umano ito ng mensahe sa isang sikat na babae sa social media.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang netizen ang mga larawan na umano�y patunay ng pagco-comment umano ng kanyang boyfriend sa larawan ng aktres na si Sue Ramirez.
Nag-iwan lang naman ng pahayag na �I love you� ang lalaking ito sa ibinahaging larawan ni Sue Ramirez.
Sa naging komento niyang ito, imbes na si Sue ang sumagot ay ang galit nitong girlfriend ang mayroong iniwang sagot sa kanya.
�sue suengal ngalin ko ulo mo kaya pala ang tagal mo jan sa CR,� saad pa ng naturang babae sa kanyang boyfriend.
Naging trending naman ang ginawang Facebook post na ito ng naturang babae tungkol sa ginawa ng kanyang boyfriend.
Marami sa mga netizen ang natawa sa pangyayaring ito at nag-iwan ng nakakatawang reaksyon.
Ayon sa mga netizen, lagot umano ang lalaking ito sa kanyang girlfriend dahil nahuli siya nito.
Natawa naman ang ilan dahil sa talas umano ng pag-iimbestiga ng babae. Talagang ganon daw talaga ang mga babae kapag tumitingin sa iba ang kanilang boyfriend. Madali umano nila itong nahuhuli.
Nag-iwan naman ng komento ang ilan na talagang kadalasan ay hindi talaga naiiwasan ng mga lalaki na tumingin sa iba.
Bahala na raw ang naturang lalaki at kung bakit pa daw kasi ito tumingin sa iba maliban sa kanyang girlfriend.
Gayunpaman, hindi mapigilan ng mga netizen na matawa sa talagang nakakatawa rin umanong pagkakamali na ito ng lalaki.
Hindi rin daw kasi ito masisisi sa ginawa. Sa ganda ba naman ni Sue Ramirez, hindi lamang ito ang tanging lalaki na humanga sa aktres.
Si Sue Ramirez ay ang isa sa maituturing na may pinakamagandang mukha sa showbiz sa kanyang henerasyon.
Una itong nakilala nang maging bahagi ng teleseryeng �Mula sa Puso� at �Angelito: Batang Ama�.
Maliban sa kanya, marami ding ibang mga artista ang hindi mapigilang hangaan ng maraming mga kalalakihan.
Ngunit, ayon sa iba, depende na lamang umano ito sa pag-iintindi ng mga kababaehan sa mga paghangang ito.
Minsan, nagiging isyu sa ilang mga relasyon ang umano�y pagiging masyadong babad ng isa sa social media.
Mayroon ding mga pagkakataon na pinag-aawayan umano ng mga magkasintahan ang pagme-message umano ng isang lalaki o babae sa isang magandang babae o gwapong lalaki sa Facebook o Instagram.
Para sa ilan, ito umano ay isang pagtataksil sa relasyon, o kung hindi man, isang daan na mapupunta na rin sa pagtataksil.
Kaya naman, lalo na sa mga babae, kadalasan ay issue ang labis na paghanga ng kanilang mga boyfriend sa mga sikat na babaeng artista o influencer sa social media.
Marami ang nakakarelate tungkol sa usaping ito at madalas nagiging paksa pa sa mga post ang umano�y pag-iiwan ng comment o message ng kanilang mga boyfriend sa mga magaganda at seksing mga babae sa social media.
Source: trendzph
No comments: