Iza Calzado, Binigyan Sariling Susi Ng Bahay Ang Kanyang Kasambahay Dahil Mas Piniling Manatili Sakanya Kahit Nagpositibo Ang Aktres Sa COVID-19
Si Iza ang pinakaunang naging panauhin ng bagong programa ni Judy Ann Santos-Agoncillo na �Paano Kita Mapasasalamatan�.
Sa programang ito, ibinahagi ng aktres ang kanyang pinagdaanan sa nangyaring pakikipaglaban nito sa COVID-19. Isa si Iza sa mga tinamaan ng sakit na ito.
Ayon kay Iza, hindi naging madali ang pakikipaglaban nito sa COVID-19. Sa programa, inalala ng aktres ang hirap na pinagdaanan habang may sakit.
Mahirap man, dahil umano sa mga taong nagmamahal sa kanya kaya nakayanan ni Iza na magpatuloy at labanan ang sakit.
Ang pananatili umano ng kanyang asawa sa kanyang tabi ang isa sa mga nagpalakas ng kanyang loob at pati na rin ang kanyang 16 na taong gulang na nakababatang kapatid na lalaki.
Ngunit, maliban sa kanila, ang presensya umano ng mahigit sa dalawang taon na nilang kasambahay na si Donna ang isa sa mga dahilan din kung bakit nakayanan ni Iza na malampasan ang mahirap na pinagdaraanan.
Hindi umano madali para kay Donna na manatiling kasama nila Iza nang mga panahong iyon dahil sa peligro na baka mahawaan ito ng aktres.
Ngunit, hindi nagpatinag si Donna at mas nanaig ang kagustuhang manatili at tulungan si Iza at ang pamilya nito.
Sa panahong iyon ng malaking pagsubok na kinakaharap nila ni Iza, malaking tulong umano ang pananatili ni Donna.
Kahit na nangangamba umano ang pamilya ni Donna para sa kaligtasan nito ay mas pinili niya pa rin umanong manatili.
Kahit na pinauuwi na umano siya ng kanyang pamilya ay mas inuna niya umano ang kagustuhan na maalagaan ang aktres.
Nakiusap na umano sa kanya ang pamilya nito ngunit, ayon kay Donna, responsibilidad niya umanong manatili sa tabi ni Iza.
Walang hanggan ang pasasalamat ni Iza para kay Donna para sa walang katumbas nitong dedikasyon at pagmamahal sa kanila.
Kaya naman, bilang simbolo ng taos pusong pasasalamat, binigyan ni Iza ng susi ng kanilang bahay si Donna.
Simbolo umano ito na hindi lamang isang ordinaryong kasambahay si Donna sa kanila kundi isa na rin nilang kapamilya. Anuman ang sitwasyon, bukas umano ang kanilang tahanan para kay Donna.
Samantala, ang kwento naman ng buhay ni Donna ay lubhang nakakaantig din.
Si Donna ay mayroong dalawang anak ngunit iniwan ito ng kanyang asawa. Hindi umano ito nakahanap ng tulong sa sarili nitong pamilya ngunit, isang may-edad na mag-asawa ang kumupkop umano sa kanya at sa kanyang mga anak.
Gaya ng pasasalamat ni Iza kay Donna, lubha rin ang pasasalamat ni Donna para sa kabutihan sa kanila ng naturang mag-asawa.
Bilang simbolo ng kanyang pasasalamat, binigyan ni Donna ang mga kumupkop sa kanilang mag-iina ng isang rosaryo.
Source: buzzooks
No comments: