Daryl Ong At Bugoy Drilon, Sinibak Sa ABS CBN. Alamin Dito Kung Bakit!


Nagsalita na sa wakas si Daryl Ong tungkol sa totoong dahilan kung bakit hindi na ito nakikita sa mga palabas ng Kapamilya network at kamakailan lang ay nag-guest pa ito sa kabilang channel.

Taliwas sa mga kumakalat na balita na umano�y lumipat na si Daryl sa GMA, hindi umano ito totoo dahil wala namang paglipat naganap.

Ang totoo ay banned na umano sina Daryl at Bugoy Drilon sa ABS-CBN na ipinag-utos mismo ng big boss ng ABS-CBN.

Ang dahilan? Dahil umano sa usapan nila tungkol sa isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN na hindi nila alam ay ini-record pala ng hindi nila kilalang lalaki.

Ang lalaki umanong ito kaibigan daw pala ng isa sa mga big boss ng Kapamilya Channel at marahil ay hindi nagustuhan ang kanilang nasabi sa naturang voice recording.

Ngunit, ayon kay Daryl ay isa lamang umanong hindi pagkakaintinidihan ang nangyari. Ano nga ba ang sinabi nila sa naturang usapan?


Sa isa umanong airport, napag-usapan umani nila Daryl, Bugoy, at Michael Pangilinan ang tungkol sa stocks at investment.

Katabi rin umano nila habang nag-uusap ang isang babae na dating nagtatrabaho sa ABS-CBN at isang hindi nila kilalang lalaki.

�Yung babae na dating nagwo-work sa ABS, nag-butt in siya. Na-bring up niya yung current situation ng ABS that time regarding the franchise issue.

�So sabi niya, medyo pa-saracastic yung biro niya, 'Bakit di ka mag-invest sa ABS? Ayan o, bagsak yung presyo nila sa stocks dahil meron silang kinakaharap na krisis.'

�Dun nagsimula yung topic about franchise issue�

�Sabi ni Bugoy na, '60,000 na lang kulang para mabuo yung one million.'


�Ako naman, nakita ko rin yun. Ang pagkakakita ko naman, 60,000 pa lang yung nagsa-sign. Sabi ko kay Bugs, 'Hindi 60,000 na lang. Sixty thousand pa lang. At anong petsa na?�,� pagkukuwento pa ni Daryl.

Ayon kay Daryl, ang alam niya umano noon ay may deadline kung hanggang kailan dapat na malikom ang 1M na signature para sa network.

�Tapos, nagdadag ako ng comment, 'Naku, malabo na 'yan. mahirap na 'yan. Kalaban pa man din nila ang gobyerno. Si Presidente ba naman ang kalaban. So, malabo na 'yan�

�Dun na po nagtapos yung usapan namin regarding sa franchise issue,� dagdag pa nito.

Ang hindi nila alam, ini-record pala umano ng katabi nilang lalaki ang kanilang usapan. Ang mas malala, kaibigan din pala umano nito ang isa sa kanilang mga boss.

�Yung usapan na yun, nire-record pala nung lalaking katabi namin sa table. Hindi namin alam.

�Akala ko kasi kaibigan yun nung babae, na dating nagwo-work sa ABS, na kakuwentuhan namin. It turns out, hindi pala niya kilala yung lalaki na yun�

�Yung guy na nag-record about sa franchise issue, nagkataon kaibigan pala ng isa sa mga big boss sa ABS-CBN.

�Apparently, ipinarinig yung recording. At ang dating sa kanila, wala kaming utang na loob.

�Or parang, pinag-uusapan namin yung franchise issue, and it seems na wala raw kaming concern. And parang, ang dating sa akin personally, ang impression sa kanila, kumakampi kami sa fact na hindi mare-renew yung license�

�Hindi na kami nabigyan ng chance na magpaliwanag,� saad pa ni Daryl.


Pagkatapos nito, ipinaalam nalang umano sa kanila ng kanilang manager ang tungkol sa nangyari. Nag-aalala umano nitong sinabi sa kanila na ipina-ban na sina Daryl at Bugoy sa ABS-CBN.

Nais sana umanong magpaliwanag ni Daryl ukol sa nangyari ngunit, hindi na ito nabigyan pa ng pagkakataon.

Dagdag pa nito, mas na-guilty pa umano siya dahil nadamay pa umano si Bugoy kahit wala naman daw itong kasalanan.

Ito ang dahilan kung bakit kamakailan lang ay napanood si Daryl sa GMA habang nagpopromote ng concert.

Gayunpaman, sa kabila ng kanilang sinapit, hindi umano kakalimutan ni Daryl ang lahat ng mga magagandang bagay na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.

Malungkot man ito sa nangyari, habang buhay niya umanong ipagpapasalamat ang ibinigay ritong oportunidad ng network na makilala at mahasa ang talento.

�Again, nililinaw ko po wala na ako ABS-CBN. Pero wala akong galit�

�Wala akong karapatan na hindi maging mapagpasalamat dahil sila naman talaga ang nagbigay ng oportunity sa akin bilang artist na makatawid sa mainstream.

�Kaya habang-buhay ko ipagpapasalamat yun,� saad pa nito.

Source: PEP

No comments:

Powered by Blogger.