GMA News Reporter Joseph Morong, Naging Usap Usapan Ngayon Ang Selfie Post Sa Twitter!


Matapang na hinarap ng GMA News Reporter na si Joseph Morong ang umano�y nakakahiya nitong Twitter post na naging dahilan ng pagiging trending nito kamakailan lang.

Nito lamang ika-15 ng Hunyo, isang hindi sinasadyang pagkakahagip sa larawan ang naging dahilan kaya naging trending ang reporter.

Habang naghihintay sa pagharap ni Pangulomg Rodrigo Duterte sa media upang talakayin ang tungkol sa ipatutupad na mga bagong alituntunin ukol sa COVID-19, nagbahagi ng isang selfie si Morong sa Twitter.

Katabi nito sa naturang selfie ang kanyang laptop. Ngunit, iba agad ang napansin ng mga netizen sa selfie na ito ng Kapuso Reporter.


Nahagip lang naman kasi ng selfie na ito ni Morong ang pag-pop-up ng isa umanong gayporn site sa screen ng laptop ni Morong.

Gulat naman at nagkagulo ang twitter world sa naturang selfie na ito ni Morong.

Kung hindi pa ito naging trending, hindi umano malalaman ni Morong ang kakaiba sa selfie niyang ito.

Nagkalat naman agad ang mga nagulat at natatawang reaksyon ng mga netizen tungkol sa naging tweet ni Morong.

Ngunit, imbes na magalit o maglabas ng negatibong opinyon tungkol sa nangyari, nakakatuwang nahiya at humingi nalang ng tawad ang Kapuso Reporter.

Nahiya man, ipinaliwanag ni Morong ang nangyari at makailang beses pang humingi ng tawad.


Saad pa nito sa kanyang mga inilabas na tweet,

�So embarrassing�

�Bawasan ko na kaya fina-follow ko? Hahaha un malilinis at busilak na lang haha joke lang but sorry about that�

�Hahaha guys sensya na talaga ah? Haha focus na tayo in a few minutes haha. Goodnight guys! Haha*wink SMH [shaking my head] haha.

�Hahah sorry about that guys haha. You�ll never know what�ll show on your timeline LOL.�

Dagdag pa ni Morong, hindi niya umano iyon ni-retweet at sadyang lumabas lamang sa kanyang timeline.

�Relax guys haha thanks for the messages of support, labyah haha not my RT (retweet), happened to show in my TL (timeline). All good. hehe. there are more important things to do *wink* hehe,� saad pa nito.

Sa kabila ng aniya�y nakakahiyang tweet, marami naman ang humanga sa reporter dahil sa maayos nito na pagha-handle sa nangyari.

Marami ang nagpaabot dito ng suporta at sinabing naiintindihan ang nangyari.


Kahit sa nangyari, hindi naman nito umano naapektuhan ang galing ni Morong sa kanyang propesyon.

Sa kanyang Facebook page, bumuhos din ang mga pagsuporta para sa GMA News Anchor. Inihayag nila dito ang paghanga sa maayos na pagharap ni Morong sa nangyari.

Heto ang ilan sa mga iniwang mensahe ng mga netizen:

�At least you owned up to it instead of denying it! It happens naman talaga to the best of us. Keribels lang.�

�It doesn't make you less of a person sir. Lodi pa rin kita sa news casting. God bless.�

�Fly and spread ur wings sir. It doesn't matter whats ur preference still u did a good job in reporting.�

�We believe in you sir Joseph Morong, We still respect you as an anchor.�

Source: PEP

No comments:

Powered by Blogger.