Pananakit Ni Xander Ford, Matapang Na Isiniwalat Ng Girlfriend Nito!
Trending at inaatake ngayon ng galit na mga netizen si Xander Ford, o Marlou Arizala ng grupong Hasht5, dahil sa mga isiniwalat ng kanyang girlfriend na si Ysah Cabrejas.
Sa isang Facebook post, matapang na isiniwalat ni Cabrejas ang mga umano�y pisikal na pananakit ni Marlou sa kanya.
Ebidensya dito ang mga ibinahaging larawan ni Cabrejas na nagpapakita ng mga pasa nito sa katawan.
�BINIGAY KO LAHAT NG GUSTO MO PERO GINAGO MO KO. AYAW KO NA SANA MAG SALITA PERO SOBRA NA�,� ani pa ni Cabrejas tungkol kay Marlou.
Ayon sa kanya, inabuso umano ito Marlou at nagiging pa-victim pa umano ang huli kahit ito naman daw talaga ang mapanakit sa kanila.
�Pa-victim ka msyado, msyado kang sinungaling. Palagi mo sinusumbat sakin na kasikatan lang habol ko sa�yo�
�Tinaggap kita buong buo sinugal ko na lahat kasi pinili kita, pinag tanggol kita sa lahat, kasi sabi ko kahit sukuan ka ng lahat ako hindi kita susukuan pero ano ginawa mo? Masyado mo kong tinake advantage hindi mo ba naisip yon? O wala ka lang talagang isip kasi sarili mo lang iniisip mo,� matapang pa nitong saad.
Hindi lamang pisikal na pananakit ang matapang na inilahad ni Cabrejas. Maliban kasi dito, pinilit din umano siya ni Marlou na mayroong mangyari sa kanila kahit na ayaw nito.
Ang pagtanggi niya umano na mayroong mangyari sa kanila ang isa sa mga dahilan kung bakit ito nagkaroon ng mga pasa sa katawan galing kay Marlou.
�... pinipilit mo�ko na may mangyari satin Kahit na meron ako at kahit na AYAW KO�
�Pag hindi ako pumayag magagalit ka kaya nga ako nag kapasa gawa mo Kasi pinilit mo ko!!,� pagsisiwalat pa ni Cabrejas.
Umiyak na umano siya at nagmakaawa sa harap ni Marlou ngunit, ipinilit umano nito ng gusto at sinabi lang sa kanya na,
�BASTA MABUNTIS KITA KAHIT IWAN MO KO OKAY NA KO DON�
Dahil dito kaya naglakas loob na si Cabrejas na isiwalat ang mga pananakit sa kanya ni Marlou. Dagdag pa nito, hindi lamang umano isang beses nangyari ang mga ito sa kanila.
�Hindi lang isang beses nangyari yon! Yung una DAHIL LANG HINDI AKO PUMAYAG NA SABAY MALIGO SA�YO GRABI NA YUNG GALIT MO SAKIN�.
�Pinamukha mo lang na KATAWAN lang Habol mo sakin. Binabaliktad mo ko sa lahat Para ano? Para malinis image mo? Nag papaawa effect ka pa. Kahit na ako yung mas kawawa! Tinapakan mo pagkatao ko eh,� ani pa ni Cabrejas.
Nagpapaawa lamang umano si Marlou kahit ang totoo ay si Cabrejas naman talaga ang kinawawa nito. Hindi man lang umano ito naawa sa kanya.
Dahil sa mga isiniwalat na ito ni Cabrejas tungkol kay Marlou, dumoble pa ang mga tao na naghayag ng galit sa dating Hasht5 member.
Kilala na dati si Marlou na mayroong maraming bashers dahil sa mukha at pag-uugali nito, ngunit, mas dumami pa ngayon ang mga nanggagalaiti dito.
Ani pa nga ng karamihan sa mga komento, kahit hindi na ito nagparetoke noon ay hindi naman sana ito makakatanggap ng galit sa mga tao.
Ang masama at hindi katanggap-tanggap nitong ugali ang una sa mga dahilan kung bakit ayaw at galit ang mga tao kay Marlou.
Kung iisipin, isa umanong kaso ng �rape� o panggagahasa ang ginawang ito ni Marlou sa kanyang girlfriend. Kaya naman, kaliwa�t-kanan ngayon ang ibinabato rito na mga masasakit na mga salita. Ayon sa karamihan, nararapat lamang din na makatanggap nito si Marlou dahil sa ginawa nito.
Source: facebook
No comments: