Billy Crawford, Pinaiyak Ang Mama Ng Asawang Si Coleen. Alamin Dito Kung Bakit!


Sa pagdiriwang ng Mother�s Day, isang surpresa ang inihanda ng mag-asawang Coleen at at Billy Crawford para sa ina ni Coleen.

Isang prank ang ginawa ng mag-asawa, kasabwat pa ang kapatid ni Coleen na si Luis, na talaga namang nagpaiyak ng husto sa ina ni Coleen.

Ayon kay Coleen, madalas umano ay nabibisto sila ng ina sa tuwing mayroon silang inihahandang surpresa para rito dahil sa mismong araw ng okasyon nila ito ginagawa.

Kaya naman, sa pagkakataong ito, dalawang araw bago ang Mother�s day ay isinagawa na nila ang prank para sa ina.

Sa naturang prank, magpapanggap na nag-aaway at nagsasapakan sina Billy at ang kapatid ni Coleen na si Luis.

Kapag paniwalang paniwala at umiiyak na raw ang mama ni Coleen ay ilalabas na nila ang isang cake na may nakasulat na �Happy Mother�s Day�.


Una, tinawagan na ni Coleen ang kanyang mama tungkol sa nag-aaway niyang asawa at kapatid.

Dahil sa ayaw ng mama nito ang nag-aaway, agad agad na pumunta ang mama ni Coleen sa bahay nila Billy.

Naabutan nito ang dalawa na nag-aaway. Nagsisigawan ang mga ito at halos magkasuntukan pa.

Ang ilan sa mga kasama nila Billy sa bahay ay hindi rin alam ang prank kaya paniwalang-paniwala rin ang mga ito sa away na nagaganap.

Nagpapanic na ang mama ni Coleen at inaawat ang dalawa. Niyakap niya pa ang anak at pinipigilan ito sa pamamagitan ng kanyang mga paa na ipinatong sa anak.

Maging ang mga kasama sa bahay ay nakisali na rin at panay ang sabi na tama na at nakakasama umano sa buntis na si Coleen ang naturang away.


Kaya naman, nang ilabas na nila Coleen ang cake, talagang natigilan at napaiyak na lamang ang mama ni Coleen.

Tagumpay ang kanilang prank dahil talagang paniwalang-paniwala ito sa nangyaring away.

Ani pa nito, nakakabwiset umano ang dalawa dahil sa naloko siya ng mga ito. Pareho niya pang itinulak sina Billy at Luis dahil sa talaga namang naasar ito sa prank nila.

Napaiyak nalang din ito kaya niyakap siya ng dalawang anak. Panay naman ang tawa nina Billy, Coleen, at Luis sa matagumpay nilang prank.

Paliwanag pa ni Billy sa mama ni Coleen, kahit kailan ay hindi niya umano magagawang manakit sa mga anak nito.

Alam naman umano ito ng ina ni Coleen. Kaya lang, sadyang napaniwala siya sa kunwaring sapakan nina Billy at Luis.

Nang mahimasmasan, nakakatawang mukhang excited pa ang mama ni Coleen na panoorin umano ang nangyari.

Natatawa naman dito sa Billy dahil kani-kanina lamang ay umiiyak ito ngunit, ngayon naman ay parang excited pa ito panoorin ang nangyaring prank sa kanya.

Sa huling bahagi ng video, mayroong inihayag na mensahe ang mag-asawang Coleen at Billy para sa kanilang ina.

Ito ay mensahe ng pagmamahal at pasasalamat para sa lahat ng ginawa at tulong ng kanilang mama sa kanila. Dahil dito, hindi na naman napigilan na maiyak ulit ng mama ni Coleen.

Dahil buntis sa unang anak, ang naturang Mother�s Day ay ang unang pagkakataon na ipadiriwang ito ni Coleen.

Kaya naman, hindi rin pinalampas ng asawa nitong si Billy na maghanda ng simpleng surpresa para sa kanyang mahal na asawa.

Panoorin ang buong video dito!

No comments:

Powered by Blogger.