FPJ�s Ang Probinsyano, Ganap Nang Nagbabalik Sa Telebisyon
Matapos ang humigit-kumulang tatlong buwan, muli nang bumalik sa ere ang programang sinubaybayan ng marami sa ABS-CBN, ang FPJ�s Ang Probinsyano.
Sa pagbabalik ere ng ABS-CBN o Kapamilya Channel, ang FPJ�s Ang Probinsyano ang isa sa mga programang kanila muling ipapalabas.
Hindi kasi maitatanggi ang malaking bilang ng mga taong nag-aantay na sa pagbabalik ng programa na mayroong hawak sa isa sa pinakamataas na rating na nakamit ng isang pograma.
Nito ngang ika-15 ng Hunyo, muli nang napanood si Cardo, ang karakter na ginagampanan ni Coco Martin, sa Kapamilya Channel at CineMo.
Kaya naman, trending agad ang programa sa social media nang gabing iyon ng pagbabalik nito sa telebisyon. Trending lang naman sa twitter ang #FPJAP4TuloyAngLaban.
Ibig sabihin, ikinatuwa ng marami ang muling pagbabalik telebisyon ng ini-idolo ng masa na si Cardo.
Bagama�t hindi pa ito napapanood sa Free TV, kahit papaano ay napapanood na ito ng mga tagasubaybay ng programa sa CineMo at Kapamilya Channel.
Ayon sa balita, sa loob ng dalawang linggo ay ipalalabas daw muna ang huling mga episode ng programa bago maipalabas ang bagong mga episode.
Kaya naman, huwag umanong mag-alala ang mga manonood kapag nakita nila na walang social distancing sa programa.
Nakunan kasi ang mga eksenang ito bago pa man maipatupad ang Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Ang FPJ�s Ang Probinsyano ang isa sa tatlong programa ng ABS-CBN na magpapatuloy na ng taping. Ang dalawang iba pang programa na tinutukoy ay ang �Love Thy Woman� at �A Soldier�s Heart�.
Sa darating na ika-17 ng Hunyo umano muling sisimulan ng programa ang taping. Ngunit, bago ito ay kailangan munang makasigurado na ligtas at pwede nang sumabak sa taping ang lahat ng cast ng FPJ�s Ang Probinsyano.
Bilang pangunahing alituntunin, kailangan munang dumaan sa rapid testing ang lahat ng cast at staff ng programa.
Kapag nagnegatibo ang resulta, papayagan itong sumama sa taping ngunit, buong buwan umano itong mananatili lamang sa set.
Ibig sabihin, upang mas matiyak ang kaligtasan ay hindi na muna pauuwiin ang mga ito.
Ngunit, kapag nagpositibo naman ang isang cast o staff sa COVID-19, kinailangan na nitong tuluyan na magpaalam sa programa.
Dahil inaasahang sa ika-17 ng Hunyo ay sisimulan na ang taping ng FPJ�s Ang Probinsyano, lahat ng mga staff at cast nito ay daraan sa rapid testing bago pa ang nasabing petsa.
Sa muling pagsisimula ng taping nito, maghihigpit din ang programa sa mga tao na maglalabas-pasok sa set. Limitado lamang ang papayagan na makapasok sa venue ng taping.
Kinakailangan din umano na walang ibang taping o produksyon na dadaluhan ang sinumang staff o cast ng programa sa panahon ng taping ng FPJ�s Ang Probinsyano.
Bawal daw munang tumanggap ang mga ito ng tungkulin mula sa iba pang mga proyekto at programa.
Kapag napatunayang angkop ang pinagpaplanuhang set-up ng programa sa kanilang taping, ito na rin umano ang marahil ay gagawing �guidelines� sa gagawin ding taping ng iba pang mga programa.
Source: PEP
No comments: