Isang Ama, Kumain Nalang Ng Lupa Dahil Nawala Sa Katinuan Matapos Iwan Ng Kanyang Asawa


Humihingi ngayon ng tulong ang Facebook account na Kruz Gold para sa dalawang bata na pinagtataguan umano ng kanilang ina habang ang kanilang ama naman ay nawawala na umano sa katinuan.

Ayon sa naturang netizen, nitong ika-15 ng Hunyo ay nakita niya umano ang dalawang bata na umiiyak habang ang ama naman nito ay parang kumakain umano ng lupa.

Sa pag-aakalang dahil lamang sa gutom ang ginagawang iyon ng ama ng mga bata, bumili ito ng pagkain para ibigay sa mag-aama.

Ngunit, hindi umano ito tinanggap ng lalaki. Dito niya na umano napagtanto na nawawala na sa katinuan ang ama ng mga bata.

Sa mga larawan na ibinahagi ng naturang netizen, makikita ang tatay ng mga bata na halatang wala na sa tamang pag-iisip.



Nang tinanong niya umano ang dalawang bata kung ano ang nangyari, nagyari umano iyon sa kanilang ama dahil sa nangyaring away ng kanilang mga magulang.

�Nung pinuntahan nila sa custom mama nila, tinataguan daw sila. Sabi ng dalawang bata dahil daw sa pag aaway ng papa at mama nila nadamay daw sila mag kapatid.

�Naawa ako sa bata. Biruin mo, nilakad nila mula CUSTOM hangang MARINA DPWH, �yung malapit sa luneta. Sobrang layo �nun,� kwento pa raw ng mga bata sa kanya.

Dahil sa nangyaring ito kaya raw marahil ay naapektuhan ang pag-iisip ng ama ng mga bata. Kaya naman, kawawa umano ngayon ang dalawang bata lalo na�t pinagtataguan din ito ngayon ng kanilang ina.

Sa layo umano ng nilakad ng mag-aama para makita ang kanilang ina, hindi umano ito nagpakita sa kanila at bagkus ay pinagtaguan pa.



�Di kana na-awa sa mga anak mo. Tignan mo nangyari sa asawa mo. Nawala na sa pag-iisip. Nang dahil lang sa away niyong mag asawa idadamay niyo yong anak nyo.

�Ngayon lang daw nangyari �yan sa papa nila kaya naisip ko dahil sa gutom at depression sa pag away nilang mag asawa. Kaya nawala na sa pag-iisip, pati dahon kinakain na. Maawa ka sa anak mo,� dagdag pa ng naturang netizen.

Kaya naman, humihingi ito ngayon ng tulong sa social media upang matunton at ma-contact ang nagtatagong ina ng mga bata.

Ayon sa naturang Facebook post, IVY PEREZ umano ang pangalan ng nanay ng mga bata. Mayroon din itong ibinigay na numero na pwede umanong tawagan upang ma-contact si IVY PEREZ.

Ayon sa mga bata, 09610393203 ang numero sa telepono ng kanilang mama.


Nakikiusap ngayon ang mga netizen na magpakita na ang ina ng mga bata dahil walang mag-aalaga sa mga ito.

Sa mga nais naman na tumulong sa mga bata, heto umano ang numero nila upang sila�y macontact. 09218693478

Dagdag pa umanong kwento ng mga bata, pinalayas na umano sila sa kanilang dating matutuluyan.

Sa kondisyon ngayon ng kanilang ama, hindi na nila ito maaasahan kaya naman, kailangan ng mga ito na mapaabot ang kanilang sitwasyon sa kanilang ibang mga mga kamag-anak.

Source: facebook

No comments:

Powered by Blogger.