Video Ni Ryan Bang Habang Tini-test Sa COVID-19, Viral Sa Social Media!
Nito ngang ika-13 ng Hunyo, bumalik na sa ere ang It�s Showtime at muli na namang mapapanood ng madlang people sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Jugs and Teddy, Ryan Bang, at iba pa.
Sa muling pagbabalik trabaho ng mga hosts ng programa, kinailangan muna nilang sumailalim sa rapid testing para sa COVID-19 bilang pag-iingat.
Wala namang naging problema sa rapid testing maliban na lamang umano kay Ryan Bang. Muntik lang naman kasi itong himatayin dahil sa karayom na gagamitin sa test.
Lumalabas, mayroon pala umanong malaking takot ang host sa injection.
Kaya naman, pahirapan ang ginawang pagkuha ng dugo kay Ryan Bang na pinagkatuwaan pa ng ibang host.
Kinunan ng video ng mga kasama ng host ang nangyaring ito kay Ryan Bang.
Sa naturang video, makikita ang mga medical professional na nakasuot ng kompletong protective equipment habang isinasagawa ang test.
Nang si Ryan Bang na ang kukunan ng dugo, panay ang hawak nito sa kamay ng medical professional at sinasabing dahan-dahan lamang umano ang pagkuha dito ng dugo.
Dahil sa takot nito sa karayom, ayaw nalang sanang sumailalim ng host sa test ngunit, hindi ito pwede.
Kita sa mukha nito ang takot at panay pa ang pakiusap sa medical professional.
�Hindi ko kaya, wala bang ibang paraan? Di naman ako lumalabas ng bahay eh, di talaga ako lumabas ng bahay,� saad pa dito ni Ryan Bang.
Sa kabila ng mag pakiusap na ito ni Ryan, panay naman ang pang-aasar at pagtawa sa kanya ng mga kapwa host.
Niloloko pa ng mga ito si Ryan na malaki umano ang karayom na gagamitin dito.
Hindi na rin napigilan pa ng ibang mga medical professional na naroon na matawa kay Ryan Bang.
�Doc, doc, doc, sandali lang po,� nagpapanic pang saad nito sa tuwing ilalabas ang gagamiting injection.
Dahil dito, minabuti ng doktor na ipagliban sandali ang gagawing pagkuha ng dugo kay Ryan.
Sa sobrang kaba raw kasi nito ay baka himatayin ang komedyante.
�Oh sige wag muna, relax muna natin yan. Baka himatayin na siya eh,� ani pa nito.
Nang mahimasmasan, tinulungan ng ibang mga host na naroon si Ryan Bang upang hindi na ito kabahan.
Pinayuhan ng mga ito ang host na huwag tumingin sa ginagawang pagkuha ng dugo. Dagdag pa ng mga ito, huminga raw ng malalim si Ryan Bang upang mabawasan ang kaba nito.
Wala nang nagawa pa ang komedyante kundi ang sumigaw at tumingin na lamang sa taas nang ipasok na ng medical professional ang karayom sa braso nito.
Kaya naman, nang sa wakas ay nakunan na ng dugo si Ryan Bang, hindi napigilan ng mga naroon na palakpakan ito dahil kahit halos maiyak na ito, kinaya pa rin nitong harapin ang takot.
Agad naman na naging viral ang video na ito ng komedyante sa social media.
Marami sa mga nakapanood nito ang natawa sa takot na takot na Ryan Bang sa video. Patok na patok ang video na ito at nakapagpatawa sa marami.
Panoorin ang buong video dito!
No comments: