Isang Video Na Nakakahilong Pahayag Ni Kim Chiu Noong 2014, Trending Sa Social Media!
Matapos ang sunod-sunod na mga pambabatikos sa aktres na si Kim Chiu ay mukhang hindi pa rin ito tinatantanan ng mga netizen.
Matapos kasi ang pagiging viral ng aktres dahil sa kontrobersiyal umano at nakakahilo nitong pahayag ukol sa issue ng pagsasara ng kinabibilangan nitong TV network, hindi na nawala pa sa social media ang nagkalat na mga memes at opinyon ng mga netizen tungkol sa kanya.
Bagama�t nagawa ni Kim na panindigan at gamitin nalang sa mabuti ang pagiging trending niyang ito, mayroon na namang bagong mga ibinabato sa kanya ang mga netizen.
Isang video ng panayam kay Kim noong taong 2014 ang kumakalat naman ngayon sa social media at pinagpi-pyestahan ng mga netizen.
Ayon sa mga ito, mukhang noon pa man umano ay magulo na raw talagang kausap ang aktres.
Sa naturang video kasi, naging panauhin si Kim sa dating morning show ng ABS-CBN na Kris TV kung saan host si Kris Aquino.
Dito, naging panauhin si Kim dahil umano sa pagpo-promote nito dati sa pelikula nito kasama ang boyfriend na si Xian Lim.
Napunta umano ang interview sa isang bahagi na naging emosyonal ang aktres. Dito na umano nagsimula ang umano�y nakakalitong mga pahayag ni Kim.
Sa panayam, hindi halos matuloy ni Kim ang kanyang mga sasabihin dahil sa pagiging emosyonal nito habang si Kris naman ay abang na abang sa mga sasabihin ng kanyang panauhin.
Ganito ang naging takbo ng kanilang pag-uusap sa naturang viral video:
Tinanong umano ni Kris si Kim kung ano ang masasabi ng aktres sa mga tagasuporta nito.
Kim: Siguro kaya ako naiiyak kasi� uhm, naiiyak na naman ako�
Kris: Na-touch ka because� ?
Kim: Syempre, pag-uwi sa house� ganito. Syempre, tao lang� My gosh! Ayoko na�
Kris: Oh, �nung umuwi ka sa bahay� ?
Kim: Iyon nga, nabasa ko �yong mga fans na� �Okay lang �yan, nandito lang kami�.
Dahil sa isa na namang viral video na ito, maraming netizen ang napansin umano ang pagiging hirap ni Kim sa maayos na paglalahad ng sasabihin.
Kaya naman, saad ng ilan ay noon pa man umano ay nakakalito na raw ang mga pahayag ng aktres.
Katulad ng nauna nitong mga video ay viral na rin ang video na ito na mula pa noong 2014 sa social media. Nagkalat ito lalo na sa Facebook at maraming netizens na naman ang walang prenong nag-iiwan ng kanilang mga opinyon.
Naging viral sa panahong ito ng quarantine si Kim nang maglahad ito ng kanyang opinyon sa isang Facebook live tungkol sa pansamantalang pagsasara ng Kapamilya Network.
Marami ang umano�y nalito sa naging pahayag rito ng aktres na mayroon umanong ginawang paghahambing sa batas sa classroom.
Imbes naman na magpatalo sa mga pambabash sa kanya, ginawan na lamang ni Kim ng kanta ang pagiging viral niyang ito na agad rin namang naging trending din sa social media.
Naging hit ang kanta nitong �Bawal Lumabas� at humakot agad ng milyon-milyomg views sa social media sa unang araw pa lamang ng pagre-release niya nito.
Panoorin ang buong video dito!
No comments: