Angel Locsin, Emosyonal Nang Muling Mapag-usapan Ang Tungkol Sa Prangkisa Ng ABS-CBN


Sa idinaos na virtual press conference ng bagong programa ni Angel Locsin na �Iba �Yan�, hindi naiwasang mapag-usapan ang tungkol sa isyu ng prangkisa ng TV Network na ABS-CBN.

Naging emosyonal dito ang aktres at hindi napagilang maiyak sa paglalahad nito ng kanyang saloobin sa paksa.

Nang tanungin si Angel ni DZMM Teleradyo anchor Ahwel Paz tungkol sa kung anuman ang gusto nitong hilingin, ang tungkol sa kasalukuang kondisyon ng Kapamilya network ang kanyang isinagot.

�Sir, ang laki po ng hihilingin ko sa inyo, na sana po mapagbigyan niyo po kami.

�Siguro, aware naman po kayo sa sitwasyon namin ngayon, ng aming network.

�So, kailangan po talaga namin ng... kailangan namin ng push.

�Naiiyak tuloy ako... teka lang,� ani pa ni Angel sa anchor.


Sa pagdaloy ng kanyang emosyon, ilang beses nakiusap si Angel na e-off muna ang kanyang camera dahil sa pag-iyak nito.

Hiniling dito ng aktres na ayusin muna ang kanyang sarili. Anito,

�Hindi ko ito ine-expect, ha! Teka lang sandali, chaka ko�

�Mag-o-off lang ako ng video. Saglit lang, ha.�

Sa gitna ng pagluha, sinikap ilahad ni Angel na lumalaban umano silang mga Kapamilya.

Kahit mahirap umano ang pinagdadaanan, patuloy umano silang magbibigay ng serbisyo at lalaban.

 "Hinihiling ko po sana, kasi kailangan po namin iyong tulong niyo para ma-spread sa tao na nandito po kami, patuloy po kaming nagbibigay serbisyo sa tao.

�And, ayun po, mahirap lang.

�Ang hirap lang ng sitwasyon kasi po talaga ngayon, but we're fighting.

�Kung ano iyong naipangakong service sa mga Kapamilya namin, patuloy naming gagawin.

�So kailangan po namin ng tulong niyo, iyon lang,� saad pa nito sa anchor.


Emosyonal man ay pinilit ni Angel na ngumiti sa press conference na iyon.

Sa nangyaring pansamantalang pagsasara ng ABS-CBN, si Angel ang isa sa mga artista na unang nagbahagi ng kanilang saloobin.

Naging bukas si Angel sa pagkadismaya nito sa nangyari at naging matapang sa paninindigan nito na dapat bumalik sa ere ang Kapamilya network.

Ang labis na pinag-alala umano ni Angel sa nangyaring ito ay ang mga empleyado umano ng dos na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara nito.

Kilala si Angel sa pagkakaroon nito ng mabuting kalooban at pagtulong sa mga nangangailangan.

Kaya naman, ang nangyaring pagsasara ng ABS-CBN na nagkaroon ng malaking epekto sa mga empleyado nito ay labis na ikinalungkot ni Angel.

Kwento pa nga ng fiance ni Angel na si Neil Arce, madalas umanong umiyak ang aktres dahil naaawa ito sa mga empleyadong nawalan ng trabaho.


Nito lamang ika-13 ng Hunyo, tuluyan na ngang bumalik sa ere ang ABS-CBN at muling napapanood sa cable at satellite TV.

Ikinatuwa ito ng marami lalo na ang mga masugid na tagasunod ng network.

Muli nang mapapanood dito ang mga programang namiss ng marami gaya ng Showtime, Ang Probinsyano, at ASAP.

Ngunit, mayroong ibang mga programa nito ang nag-anunsyo na hindi na ito muling magpapatuloy pa.

Kabilang dito ang palabas nina Liza Soberano at Enrique Gil na �Make It With You�. Ikinakungkot naman ng maraming manonood ang naging anunsyong ito.

Panoorin ang buong video dito!

No comments:

Powered by Blogger.