Miyembro ng EX-Batallion Nanligaw Sa Kanyang Ex-girlfriend Sa Harap Ni Idol Raffy Tulfo; Netizen's Naaliw!
Kakaibang episode ng Raffy Tulfo in Action sa Youtube ang napanood ng mga netizen nitong ika-15 ng Hunyo.
Malayo sa normal na pag-aalitan o pag-aaway ng mga dumudulog sa programa, sa episode na ito ay kilig umano ang nangibabaw ayon sa mga
netizen.
Ang naturang episode ay tungkol sa reklamo ng isang Karla Borgonia, sa ex-boyfriend nito na si EX-Batallion member Romel Nazareno.
Ayon kay Karla, naghiwalay nalang umano sila ni Romel ay hindi pa umano nababayaran ang utang nito sa kanya na Php 70 000.
Nang singilin umano ay hindi magagandang mga salita ang ibinato sa kanya ni Romel at sinabi pa umano nito na wala umanong mapapala si Karla sa kanya.
Nang kausapin naman na ni Tulfo si Romel, humingi ito ng tawad sa dating kasintahan tungkol sa hindi pa nito pagbabayad ng utang at sa mga hindi magagandang salita na sinabi nito kay Karla.
Pinag-ayos ni Tulfo ang dalawa at ginawan ng paraan kung paano maibabalik ang pera na inutang ni Romel kay Karla.
Matapos ang ilang mga pasikot-sikot, ayon kay Romel ay magagawan naman umano niya ng paraan ngunit ang una niyang maipapangako ay Php 20 000 lamang daw muna para sa unang linggo ng Hulyo.
Katwiran ni Romel, hindi niya raw kayang isauli ng buo ang pera dahil wala pa itong kita bunsod ng lockdown. Mayroon din daw siyang dalawang anak na tinutustusan.
Akala ni Tulfo ay maayos na ang set-up na iyon ngunit natatawa na lamang ito dahil nagtatawaran pa ang dalawa.
Sa paraan ng pag-uusap ng dalawa, biro ni Tulfo ay mukhang nagliligawan lamang umano sina Romel at Karla.
Dagdag pa nito, baka pwede raw ay magbalikan nalang ang dalawa upang matapos na ang problema gayong mukhang hindi pa naman umano nakakamove-on ang dalawa sa isa�t-isa.
Mayroon namang mala-hugot na sagot si Karla sa sugestyong ito ni Tulfo.
�Ay �wag na po, jusko po, ayoko po�
�Pero� ewan ko po. Naging tanga po, eh. Masyadong naging sunud-sunuran. Inabuso,� saad pa ni Karla.
Panay naman ang paghingi ng tawad ni Romel kay Karla. Kadalasan ay napapangiti nalang din si Karla kaya naman, hindi naiwasan ng mga netizen na kiligan sa dalawa na animo�y nagliligawan.
Maging si Tulfo kadalasan ay napapatahimik at napapangiti na lamang habang nanunuod sa sagutan nina Karla at Romel na mayroong kinalaman sa naging relasyon nila.
Tanong pa ni Tulfo kay Karla, mayroon ba raw pag-asang magkabalikan ang dalawa kapag sa pagkakataong ito ay susundin na umano ni Romel ang mga gusto nitong mangyari.
Karla: Jusko sir Raffy, wala namang nagawa �yang mabuti. Kahit itanong niyo sa kanya �yan, jusko. Sasabihin pa n�yan, �bawal ang ganito�, pero siya rin po ang gagawa.
Romel: Sa tingin ko may nagawa akong mabuti sayo kaya mahal mo �ko. Diba?
Karla: Ano? Ano daw?
Romel: Hindi mo naman ako mamahalin kung wala akong mabuting nagawa sayo, eh. Tama?
Karla: Past is past.
Romel: �Wag tayong magsalita ng tapos.
Sa mga malamang mga banat ng dalawa at samahan pa ng ngiti ng mga ito, halatang aliw na aliw si Tulfo episode na iyo. Itinanong pa nga nito sa dalawa kung saan umano unang nagkakilala sina Karla at Romel.
Talaga nga namang kakaiba ang episode na ito ng Raffy Tulfo in Action. Panoorin ito sa baba at kayo na ang humusga.
Panoorin ang buong video dito!
No comments: