Vilma Santos, May Opinyon Sa Isyu Na Naghiwalay Na Umano Sina Jessy Mendiola at Luis Manzano


Mayroon umanong naging pahayag ang Star for all Seasons na si Vilma Santos tungkol sa napapabalitang isyu ng hiwalayan umano ng anak niyang si Luis Manzano at aktres na si Jessy Mendiola.

Nitong nakaraang mga araw ay lumabas na naman ang balita na umano�y naghiwalay sina Jessy at Luis.

Wala namang naging kompirmasyon sa dalawa kung ano ang totoo sa balitang ito.

Ang mga tsismis tungkol sa hiwalayang ito ay muli na namang lumitaw matapos ang ibinahaging Instagram post ni Jessy Mendiola na nagsasaad ng pagiging malaya na umano nito ngayon.

Malakas ang pag-aakala ng marami na mayroon umano itong kinalaman sa relasyon nito kay Luis. Matagal na ring magkasintahan ang dalawa at marami ang may nais na mauwi na ito sa kasalan.


Dahil sa muling paglitaw ng isyu na ito, mayroon umanong ibinahaginh opinyon ang ina ni Luis na si Vilma.

Para kay Vilma, hindi umano siya nakikialam sa buhay pag-ibig ng kanyang anak.

Alam naman umano nito kung ano ang magpapaligaya sa kanya at tiwala siyasa mga desisyon nito.

Dagdag pa umano ni Vilma, kahit hindi siya nakikiaalam ay sinusuportahan naman umano nito ang anak sa kung anuman ang nagpapasaya dito.

Handa umano siyang gabayan ito kapag kinailangan ng anak.

�Alam niya kung saan siya masaya. Alam niya ang tama. Alam niya ang mali.

�I�m just here to guide him.

�He is old enough� mature enough to handle his life,� ani pa raw ni Vilma.


Maliban sa umano�y hiwalayan nito sa girlfriend, mayroon pang ibang mga pambabatikos na ibinabato sa sikat na host ang mga basher.

Isa na dito ang tungkol umano sa tunay na kasarian ni Luis.

Ayon sa mga netizen na bumabatikos kay Luis, bakla umano ang host. Sa kabila ng naging mga relasyon Luis sa iba�t-ibang mga babae, ibinabato pa rin ng mga basher ang tungkol dito.

Ayon sa mga ito, ginagamit lamang umano ni Luis ang mga karelasyong babae upang pagtakpan ang tunay na kasarian.

Patunay umano nito ay ang hindi pa umano paglagay sa tahimik o pagpapakasal ni Luis.

Sa kabila umano ng matagal ng pagkakaroon relasyon kay Jessy at kawastuhan ng edad, hindi pa rin ito nag-aasawa. At ito umano ay dahil sa pagiging bakla nito.

Ayon naman umano kay Vilma, sana raw ay tigilan na umano ang mga pambabash na ito sa kayang anak at tumigil na umano ang mga basher.


Ang pag-aasawa ni Luis ang isa sa mga inaabangan sa showbiz at marami ang naniniwala na dapat na itong magpakasal.

Ngunit, mukhang wala pa sa plano nito ang iniisip ng marami.

Ilang beses na ding naging kontrobersyal ni Luis lalo na kapag pinag-uusapan ang dati nitong girlfriend ng ilang taon na si Angel Locsin.

Hindi kagaya ni Luis, si Angel ay nakatakda nang ikasal sa fiance nito na si Neil Arce.

Isang rason din ito kung bakit halos ipagtulakan ang kilalang host na bumukod na rin kagaya ng ex-girlfriend.

Gayunpaman, sa lahat ng mga pambabatikos na ito na ibinabato kay Luis, mukhang hindi naman ito nagpapaapekto.

Panoorin ang buong video dito!

No comments:

Powered by Blogger.