PANOORIN: Babaeng Turista, Na-inlove Daw Sa Isang Taong Grasa?
Viral ngayon ang video na ito na umano�y nagpapakita ng isang Chinese National na umibig umano sa isang taong grasa sa bansa.
Sa naturang video, makikita ang isang Chinese National na nakaupo sa tabi ng isang taong grasa sa kalye.
Sa umpisa, maliban sa pagtabi nito sa taong grasa ay wala namang masyadong mapapansin dito.
Ngunit, mayroong mga taong pinipilit na isama ang babae at paalisin sa tabi ng taong grasa.
Makikita naman dito na ang Intsik na babae ay ayaw sumama sa mga pumipilit at humihikayat sa kanya na sumama. Imbes na sundin ang mga ito ay mas kumapit pa nga ang babae sa braso ng taong grasa.
Ilang ulit man itong kausapin ay ayaw nitong sumama at nanatili lamang sa tabi ng taong grasa.
Mayroon pa ngang nakaabang na patrol car sa lugar upang pagsakyan ng dayuhan, ngunit, ayaw pa rin nitong sumama kahit anong pilit.
Sa video, makikita rin na maraming mga tao ang nanonood sa pangyayaring ito. Mayroon pa ngang maririnig na tawa galing sa mga taong naroroon at sinasabing mabuti pa umano ang taong grasa ay nakapagpa-ibig ng isang Chinese.
Di kalaunan, nagdesisyon na lamang ang isa sa mga naroon na isama na lamang nila pati ang umano�y taong grasa.
Pinauna nila ito sa nag-aabang na patrol car at sa wakas ay sumunod naman ang babaeng Tsino. Kung hindi pa sumama ang taong grasa ay hindi rin umano sana sasama ang babae.
Trending na ngayon ang video na ito kung saan ang paglalarawan ay �inlove� umano ang Chinese na babae sa taong grasa.
Ayon naman sa mga netizen na nagbahagi ng komento na mayroon umanong alam sa pangyayari, ang babae umano ay mayroon daw talagang sakit sa pag-iisip kaya ganoon ang inasal nito.
Hindi naman nagustuhan ng maraming netizen ang ginawang pagtawa at naging katatawanan pa ng iba ang nangyari sa video.
Marami ang hindi natuwa sa mga hindi magandang komento tungkol sa taong grasa na porke madumi umano ito ay dapat na itong pagtawanan.
Ganoon rin umano para sa sitwasyon ng Chinese na babae. Hindi umano dapat ginagawang katatawanan ang mental health issues.
�People really discriminates. Don't be judgemental as long as these people didn't harm or doing bad things to u,� saad pa ng isang netizen.
Sa isa pang komento na iniwan sa viral video, mariin nitong kinondena ang umano�y pagiging katatawanan para sa mga naroon sa sitwasyon ng taong grasa at ng Chinese. Ayon dito,
�May nakakatuwa ba dun? Same sila may mental health issue. Jusko imbes approach ng ibang taong nakapaligid eh puro katchaw/alipusta�
�May nakakadiri ba dun kung gusto sya ng chinese? Porket taong grasa walang karapatan mahalin? Or irespeto bilang tao. Happy kayo sa pagvi-viideo??�
Dagdag pa nga ng isa pang komento, kahit marumi umano ang taong grasa umano ay mas marumi naman umano ang mga taong tumatawa rito sa video.
�Mga ingitero mga chismoso. �Yung taong grasa katawan lang madumi. Kayo mga ugali nyo madumi. Kakatuwa si ateng Chinese talagang hindi sya umalis hanga�t hindi sasama si Kuya,� saad pa nito.
Panoorin ang buong video dito!
No comments: