MATAAS NA OPISYAL NG PNP, SINENTENSIYAHAN NG 10–12 TAON NA PAGKABILANGGO SA PANGMOMOLESTIYA SA DATING VICE MAYOR




10 hanggang 12 taon na pagkakakulong ang haharapin ng dating hepe ng PNP Custodial Service Unit na si Lieutenant Colonel Jigger Noceda dahil sa pangmomolestiya umano kay dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog habang siya ay nasa loob ng kulungan.

Batay sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98, napatunayang guilty si Noceda sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code.

Inatasan din si Noceda na magbayad kay Parojinog ng P150,000 bilang civil indemnity, moral damages at exemplary damages.

Matatandaang nakulong si Parojinog sa PNP Custodial Center dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga at illegal possession of firearms matapos i-raid ang kanilang bahay sa Ozamiz City noong Hulyo 2017.

Sa kanyang affidavit, sinabi ni Parojinog na dalawang beses umano siyang hinalay ni Noceda sa loob mismo ng kulungan noong Setyembre.

Iniulat niya ito sa mga opisyal ng PNP, na agad namang nagsagawa ng imbestigasyon at nagsampa ng kaso laban kay Noceda.




No comments:

Powered by Blogger.