Andi Eigenmann, Ipinasilip Ang Simpleng Bahay Na Ipinapatayo Nila Sa Siargao


Natagpuan na nga marahil ng aktres na si Andi Eigenmann ang tunay na kasiyahan sa sumpleng pamumuhay nito ngayon sa Siargao.

Abot-kamay na ngayon ng aktres ang mataga na nitong pangarap na simpleng pamumuhay sa tabi ng dalampasigan.

Iniwan nito ang pamumuhay sa Maynila at naninirahan na ngayon sa Siargao kasama ng kasintahang si Philmar Alipayo, isang professional surfer.

Iniwan nito ang mga magagarang gamit para sa isang simple at masayang buhay sa Siargao. Bagama�t ang trabaho nito ay sa Maynila, sa Siargao na umuuwi si Andi, ang itinuturing nitong bagong tahanan.

Ang tunay na kasiyahan ni Andi sa simple nitong pamumuhay ay labis na hinangaan ng marami.


Si Andi at Philmar ay mayroong nang isang anak. Ito ay si baby Lilo o Keliana Alohi Eigenmaan Alipayan.

Bago si Baby Lilo, mayroong nang panganay si Andi sa dating karelasyon nito na si Jake Ejercito.

Ito ay si Ellie na kagaya ni Andi ay nae-enjoy rin ang simpleng pamumuhay ng ina. Nahilig na rin umano ito sa surfing at sa dagat kahit sa murang edad pa lamang nito.

Gaya ni Andi, mayroon na ring anak si Philmar bago si baby Lilo. Mayroon itong dalawang anak sa dati nitong karelasyon.

Isa si Philmar sa pinakamagaling na surfer sa bansa. Itinanghal pa nga itong champion noong September 2017 sa ginanap na ika-19 na Siargao National Surfing Cup.


Isa ngayon itong surfer trainor sa Siargao.

Ang maganda at simpleng pamumuhay na ito ni Andi at Philmar ay ibinabahagi nila sa kanilang Youtube channel na �Happy Islanders�.

Ang mga vlog na ibinabagi rito ni Andi ay tungkol sa masayang pamumuhay nito sa isla ng Siargao.

Isa nga sa mga ibinahagi rito ni Andi ay ang ipinapatayo nila ritong bahay sa gilid ng dalampasigan.

Gaya ng pamumuhay ngayon ng aktres, simple lamang ang bahay na ito ngunit hindi maitatanggi ang ganda. Gawa pa nga sa pawid ang bubungan ng naturang bahay.

Maliban sa kanyang vlog, maya�t-maya rin ang masayang pagbabahagi ni Andi sa buhay niyang ito sa kanyang Instagram account.


Dito, marami sa kanyang mga taga-hanga ang nai-inspire din na magkaroon ng simple at hindi magarbong buhay kagaya nang kay Andi.

Ipinasilip din niya sa kanyang mga Instagram followers ang naturang bahay na ipinagawa nila ni Philmar.

�Living my island dreams have been nothing short of amazing sharing it with you @chepoxz! Salamat karajaw. Our dream house slowly coming together. We are happy and looking forward to sharing it with all of you soon,� excited pang saad tungkol dito ni Andi.

Ang mga pagbabagong ito sa buhay ng aktres na si Andi ay hinangaan ng marami, masugid man nitong tagasuporta o hindi.

Ang hakbang nito na talikuran ang marangyang pamumuhay para sa simpleng pamumuhay sa isang isla ay hinahangaan kahit mga kapwa rin nito artista.


Tinanggap nito ang lahat ng mga pagkakamali niya sa nakaraan at mas minahal pa ang sarili. Kaya naman ngayon, wala nang pag-aalinlangan pa ang aktres na mabuhay lamang ng simple at ng naaayon sa kanyang kasiyahan.

Source: readph

No comments:

Powered by Blogger.