Vivian Velez, Naguluhan Umano Sa Naging Pahayag Ni Catriona Gray Tungkol Sa Anti-Terrorism Bill


�Confused? Saving face? Ano ba talaga, Missed Universe?�

Ito ang naging direktang reaksyon ng aktres na si Vivian Velez sa naging pahayag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa Anti-Terrorism Bill.

Nitong mga nakaraang araw, mainit na paksa sa social media ang inihaing Anti-Terrorism Bill sa senado na umano ay pirma na lang ng pangulo ang kulang upang maging ganap na batas.

Marami ang hindi sang-ayon sa naturang bill kaya naman trending ang #JunkTerrorBill mapahanggang ngayon.

Kabi-kabila ang kampanya ng parehong mga sikat na personalidad at ordinaryong mga mamamayan ng bansa upang maibasura ang naturang batas.


Naglabas na ng kanya-kanyang mga opinyon ang mga sikat na personalidad at matapang na ipinaglaban ng mga ito na dapat maibasura ang Anti-Terrorism Bill.

Isa na nga sa mga sikat na nagpahayag din ng kayang opinyon sa naturang ipinapasang batas ay ang beauty queen na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kanyang Twitter account, inilahad ni Catriona ang kanya umanong opinyon sa naturang isyu.

Heto ang mga pahayag na ibinahagi ni Catriona kanyang tweet:

�Holding the stance of #JunkTerrorBill DOES NOT EQUATE to being pro-terrorism. Making the stand of #JunkTerrorBill does NOT equate to supporting violence or terrorists. Nor does it imply that we ignore or condone the damage, hurt and conflict that exists�


�...in the Philippines and affects so many of our countrymen because of terrorism.
Rather, #JunkTerrorBill is a call to #ReviseTerrorBill (because it can be...and should be better) if the need is indeed urgent during this time.

�The anti-terrorism bill is essential to protect the country and its people, but we cannot pass a bill that is susceptible to potential abuse of power and human rights violations.�

Iba�t ibang reaksyon naman ang naani ng naging pahayag na ito ni Catriona. Mayroon mga sumang-ayon sa beauty queen, ngunit mayroon ding naguluhan umano sa naging pahayag niyang ito.

Isa rito ang aktres na si Vivian Velez na inihayag sa isang Facebook post ang kanya umanong pagkalito sa pahayag na ito ni Catriona. Ani pa nito,

�Confused? Saving face? Ano ba talaga, Missed Universe?

�The draft Anti-Terrorism Act of 2020 passed both the House of Representatives and the Senate, and PRRD is expected to sign the bill into law. Nothing to revise and no more debate.
From the people of Mindanao, the anti terrorism bill is their silver lining. And I thank you��


Magkaiba man marahil ang pananaw nina Catriona at Vivian, dalawa lamang sila sa iba pa na mayroon ding iba�t-ibang mga reaksyon tungkol sa pagpapasa ng batas na ito.

Mayroong iba na tiwalang para sa kabutihan ang naturang batas, ngunit, marami rin ang naninindigan na hindi kailangan ang naturang batas dahil ito ay isang pagsupil sa karapatan ng bawat isa sa malayang pagpapahayag.

Ang ikinalilito rin ng iba, bakit umano sa panahon pa na ito kailangang maging paksa ng naturang batas gayong mayroong mga mas importanteng bagay na dapat talakayin.

Ito ang ilan sa mga bagay na mariing ipinaglalaban ng marami lalo na sa social media.

Source: PEP

No comments:

Powered by Blogger.