Andi Eigenmann, Walang Ka-artihan Na nagbuhat Ng Isang Balde Habang Angkas Sa Isang Motor; Mga Netizen, Humanga!


Lubos na hinangaan ng marami ang aktres na si Andi Eigenmann matapos nitong iwan ang maayos at magarang pamumuhay sa Maynila upang manirahan ng simple sa isla ng Siargao.

Ilang beses na niyang ibinahagi ang kanyang kasiyahan sa bagong buhay niyang ito kasama ang bagong nagpapasaya sa kanyang buhay na si Philmar Alipayo at ang kanilang Baby Lilo.

Marami na ang nakapagpatunay sa simpleng buhay na ito ngayon ng aktres sa Siargao at nakita ang kasiyahan ngayon ni Andi sa kanyang bagong tirahan.

Kamakailan nga lamang, isang netizen ang nagbahagi ng isang larawan ni Andi na simpleng-simple lamang habang naka-angkas sa motor na minamaneho ni Philmar.

Sa larawang ito ni ibinahagi ng isang Contessa Aubrea Paraico - Carnaje sa Facebook, habang nasa Siargao ay nakunan niya umano ng larawan ang katres na walang anumang arte na nakaangkas sa motor habang dala-dala pa ang isang malaking balde.


Dagdag pa nito, kahit hindi umano nakaporma si Andi ay di pa rin maitatanggi ang ganda nito sa simpleng pananamit.

�Saw Andi here in Siargao last week and wala sya keyme kag arte magdala sang large water tub while nakaangkas sa motor kasama hubby nya�

�Still gorg and classy bisan indi magporma! #SimpleLife #IslandGirl,� saad pa sa naturang Facebook post.

Agad naman na naging trending ang Facebook post na ito ng naturang netizen at agad na umani ng magandang mga reaksyon galing sa mga netizen.

Sa ngayon, nasa mahigit 90 000 na ang naa-aning reactions ng Facebook post na ito habang ang shares naman nito ay umabot na sa mahigit 52 000 ang bilang.


Karamihan sa mga iniwang komento ng mga netizen ay tungkol sa kanilang paghanga sa pagiging simple umano ni Andi.

Masaya ang mga ito para sa aktres na natagpuan na ang tunay na kasiyahan sa simpleng pamumuhay sa isla.

Dahil sa pagiging trending ng Facebook post na ito, umabot na rin pati kay Andi ang naturang larawan.

Sa kanyang Instagram account, inihayag ni Andi ang kanyang naging reaksyon sa trending nitong larawan.

�When I want to buy things, I have to hold it. And pray I don�t drop it cus patay tayo kay @chepoxz,� natatawa pang saad pa ni Andi tungkol sa Facebook post.

Mas humanga pa ang mga netizen sa naging pahayag na ito ni Andi. Patunay lamang ng pagkakaroon nito ng masaya at kontentong pamumuhay sa isla.


Dati pa man ay pinangarap na umano ni Andi ang manirahan sa tabi ng dalampasigan. Kaya naman, hind kataka-taka na sa Siargao nito natagpuan ang kasiyahan at katuparan sa simpleng buhay na pinangarap.

Minsan pa nga umanong saad ni Andi tungkol sa kanyang bagong buhay,

�Na-realize ko lang na itong lugar na �to, dito ako nababagay. I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didn�t need. I don�t own cars, any designer clothes, bags�lahat ng mga pang-artistang �yan, makeup, lahat �yan wala na. Kahit mga kasama sa bahay, yaya, driver, wala na lahat.�

Source: artistaph

No comments:

Powered by Blogger.