Couple, Agad-agad Ikinasal Ng Mayor Nung Nagpare-schedule Sa Kanilang Kasal!


Marami ang kinilig sa biglaang kasal na ito ng isang magkasintahan na magpapa-reschedule lang sana ng kanilang naantalang kasal dahil sa COVID-19.

Sa kwento pa ng bride na si Erica Calandria - Sagum sa kanyang Facebook post, hindi niya aakalalain na matapos ang ilang beses na pag-eensayo ng make-up sa sarili at paghahanap ng susuoting gown, ikakasal lang pala siyang nakasuot ng leggings, checkered shirt, at face mask.

Gayunpaman, ang importante umano ay naikasal na sila sa wakas at sa lalaking kanyang minamahal siya nakapagsabi ng � I do�.

Ayon kay Erica, nakatakda na umano sanang maganap ang kanilang �garden wedding� ng karelasyong si Ronnie Sagum noong ika-25 ng Abril. Ngunit, dahil nga sa COVID-19, hindi ito natuloy.



Kaya naman, noong ika-30 ng Mayo, minabuti nina Erica at Ronnie na pumunta sa City Hall ng General Trias sa Cavite upang mag-inquire sana sa pagpapa-reschedule ng kanilang kasal.

Ayon kay Erica, kailangan nilang maikasal kahit na civil wedding lamang dahil mag-eexpire na ang kanilang lisensya sa darating na ika-3 ng Hunyo.

Ngunit, nang araw na iyon mismo ng pagpunta nila sa City Hall, inalok umano sila ni Mayor Ony Ferrer kung gusto ba umano nilang ikasal sa araw na iyon mismo.

Bagama�t nagulat, hindi nalang din pinalagpas nina Erica ang pagkakataon at agad na sumang-ayon sa suhestyon ni Mayor.

Kaya naman, nang araw ding iyon, ika-30 ng Mayo, suot pa ang kanilang mga face mask, naganap ang instant civil wedding nina Erica at Ronnie.

Ayon pa sa kwento ng Erica, ang mga staff pa umano sa city hall ang gumawa ng paraan para mabigyan sila ng improvised wedding ring.



Hindi man naganap ang pinagplanuhang kasal, siguradong hindi naman makakalimutan nina Erica at Ronnie ang biglaan at kakaibang kasal na naganap sa kanila.

Walang katumbas pa rin ang sayang kanilang naramdaman sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ayon pa sa dalawa, plano pa rin naman umano nila na isunod ang church wedding kapag natapos na itong pandemya.

Heto ang naging buong Facebook post ni Erica tungkol sa nangyari nilang kasal:

�Been searching for a white dress to wear on my special day, learning how to do make up and hair styling on my own for my wedding but who would have thought will be ended up wearing checkered shirt, leggings and white shoes with bare face and with mask pa on my wedding.
Ang importante ikaw ang ka "I DO" ko Einnolav Meosjin.
Pero kanya kanya muna tayo haha ang importante apelyido mo na gamit ko.



�Our wedding was supposedly last April 25 but got postponed and rescheduled due to COVID. Since our license will expire on June 3, we decided to have a civil wedding. Yesterday afternoon, we went to the Mayor's office to ask if we can schedule our civil wedding not later than the expiry date. And surprisingly, the Mayor asked if we want to get married on the spot, and of course we said yes!

�PS. We have also an improvised ring thanks to Mayor's supportive staffs.

�So that's the story of our covid civil wedding. Next- Wedding ceremony.

�Thank you Lord for this unexpected and memorable day of our life.�

Source: Facebook

No comments:

Powered by Blogger.