Dingdong Dantes, May Dine-develop Na App Para Sa Mga Taga-showbiz Na Nawalan Ng Trabaho
Sa isang live chat kung saan kasali ang Kapuso Actor na si Dingdong Dantes, napag-usapan ang tungkol sa ilalabas nitong app na sa ngayon ay tinatrabaho pa.
Hindi man detalyado, ayon kay Dantes, ang app na ito ay ang �Dingdong PH� na isang delivery app.
Sa pag-usbong ngayon ng industriya ng �courier and delivery services�, nakatakda na ring gumawa ng sarili nito si Dantes.
Ngunit, ang planong ito ni Dantes ay mayroong mas malalim na kabuluhan. Layunin kasi nito na mabigyan ng trabaho ang mga taga-industriya ng Showbiz na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
�This pandemic became a game-changer para sa akin, pati sa bahay namin, pati sa buhay namin�
�As many people know, this also became an equalizer, it leveled the playing field. Pero it has crushed and damaged some industries; it paved the way for some to flourish."
�Kung gagawa ako ng isang bagay, gusto ko klaro ang kaniyang social impact... 'Yung inspiration also behind this is the fact that I have several workmates who lost their jobs in the entertainment industry,� saad pa ni Dantes..
Ayon kay Dantes, nagsimula umano ang ideya ng pagkakaroon nito ng sariling delivery app nang ito mismo ay nagkaroon ng problema sa pagdedeliver.
Ang kanyang asawa na si Marian Rivera ay mayroong home-based flower business. Madalas ay nagkakaroon umano ito ng problema kapag naghahatid o nagdedeliver na ng mga orders sa mga customers.
Minsan raw, upang matugunan ang mga aberya sa mga delivery nito ay si Dingdong na umano mismo ang nagkusang loob na magdeliver ng order.
Kilala si Dantes na mahilig sa mga motor kaya naman, ito ang ginamit nito sa paghahatid ng mga order.
Dito na umano nagsimula ang ideya na magkaroon ng sariling delivery app.
�Doon nagsimula 'yung idea, at lumawak na lang siya. In the past weeks, after talking with friends who share the same vision and passion, an idea was developed, hence the birth of Doorbell Technologies,� saad pa ni Dantes.
Kilala si Dingdong at ang asawa nito sa paggawa ng mga makabuluhang bagay.
Kaya naman, hindi na nakakapagtaka ang kaakibat na magandang plano sa delivery service app na ito ni Dingdong.
Ayon kay Dingdong, alam nito na marami ang mga nawalan ng trabaho sa mga kapwa niya taga-industriya ng showbiz dahil sa COVID-19.
Kaya naman, upang mabigyan ang mga ito ng bagong trabaho, ang magsisilbing mga riders ng �Dingdong PH� ay ang mga taong nawalan ng trabaho sa showbiz.
�I have several workmates who lost their jobs in the entertainment industry. And to reveal one part of that whole ecosystem, �yung riders na gagamitin natin ay yung mga nawalan ng trabaho dito sa industriya namin,� ani pa nito.
Sa ngayon, wala pang karagdagang detalye na ibinibigay si Dantes tungkol sa �Dingdong PH� bagama�t nakatakda naman daw umano itong i-anunsyo.
Ngunit, maaari nang tingnan at e-check ang �Dingdong PH� sa Facebook at Instagram.
Source: topgear
No comments: