Isang Siyam Na Taong Gulang Na Bata, Ibinebenta Ang Kanyang Mga Medalya Upang May Pambili Ng Pagkain
�Mga medals ko po. Binebenta ko po �to. Baka po may gusto. Bente-bente lang po. Salamat po.�
Ito ang nakakaantig na mga salita ng Grade 4 student na si Kenneth habang ibinebenta ang kanyang mga medalya na galing sa mga naging parangal sa kanya sa eskwelahan.
Upang mayroong pambili ng pagkain, ang pagbebenta sa 50 medalya ni Kenneth ang naisip nitong solusyon.
Dahil sa krisis bunsod ng pandemya, nawalan ng trabaho ang ina ng siyam na taong gulang na bata. Randam umano nito ang hirap ng ina sa pagtataguyod sa kanila kaya naman, upang makatulong at handang isakripisyo ni Kenneth ang kanyang mga pinakatatanging kayamanan.
�Nahihirapan po ako �nung nahihirapan po din si mama. Iniisip ko lang po, kung makakabayad pa ba kami ng bahay kasi po, �pag hindi pa kami nakabayad, papalayasin po kami dito�
�Naisip ko po, ibenta ko po �yung mga medals ko. Kasi �pag pinatagal ko pa po dun sa lagayan, baka po mangalawang�
�Pinaghirapan ko po �yun. Gusto ko po ibenta kasi po nahihirapan na si mama ng sobra,� ani pa ng bata.
Nagtatrabahong security guard at housekeeping ang mama ni Kenneth na si Cherryl Mendoza. Nang magka-pandemic, nawalan ito ng trabaho at nabaon na rin sa utang.
Mag-isang tinataguyod ni Cherryl ang dalawang anak matapos na iwan ito ng ama nina Kenneth. Dahil ayaw niya na umano ng gulo, ito na lang nagtaguyod sa mga anak.
Ayon kay Cherryl, kahit madalas ay wala siyang oras dahil sa trabaho, talagang matalinong bata umano si Kenneth.
Nasasaktan umano siya sa mga pagkakataon na hindi niya natutugunan ang pangangailangan ng mga ito lalo na ang magkaroon ng oras para sa dalawa. Minsan pa nga umano, pati recognition nina Kenneth ay hindi siya naka-attend.
Sa darating na pasukan, hindi pa umano sigurado kung makakapag-aral sina Kenneth dahil online na gagawin ang klase. Mas prayoridad kasi ni Cherryl ang pagkain nilang mag-iina kaysa sa internet at gagamiting gadget dito.
Dahil sa kwentong ito ni Kenneth, maraming mga netizen ang naantig sa bata.
Isa na sa mga netizen na labis na naantig sa pagbebenta ni Kenneth ng kanyang medalya upang may makain ay si Pinky Menor Encapas na isa ring ina.
�Ramdam ko po �yung awa sa bata kasi, nakita ko po� naramdaman ko po bilang isang ina. May mga anak po ako na ayan, marami po silang medals�
�Napakahalaga po sa kanila �yung medal. Sabi nga po ng mga anak ko, kayamanan namin ito na hindi mawawala,� emosyonal pang saad ni Pinky tungkol sa bata.
Kaya naman, upang hindi na tuluyang maibenta ni Kenneth ang mga medalya, kasama ang iba pa ay naghatid ng tulong na bigas at iba pang mga pagkain sina Pinky para sa bata.
Maliban kay Pinky, isa pang tao na may mabuting kalooban ang nagbigay ng laptop kay Kenneth at sa kapatid nito para sa darating na pasukan.
Ayon kay Dr. Khristian Santos, ang nagbigay ng laptop, nakita niya umano ang potensyal na mayroon ang batang si Kenneth kaya niya ito tinulungan.
Hindi na rin poproblemahin pa nila Kenneth ang pang-internet dahil sagot na rin ito ng programang �Kapuso Mo, Jessica Soho�.
Sa mga biyayang ito na natanggap ni Kenneth, walang katumbas na pasasalamat ang kanyang ipinaabot. Ganun na rin ang ina nitong si Karla na walang katumbas ang kasiyahan para sa mga anak.
Panoorin ang buong video dito!
No comments: