Jose Manalo At Paolo Ballesteros, Sinabihan Si Pokwang Na Isang "Judgemental"


Mula nang ianunsyo ng programang Eat Bulaga ang umano�y paglabas ng Kapamilya na si Pokwang sa programa, maraming mga netizens na ang nag-abang dito at naintriga.

Nitong ika-19 ng Hunyo, masiglang inanunsyo ng host na si Paolo Ballesteros na maglalaro umano si Pokwang sa segment ng programa na �Bawal Judgemental�.

Sina Paolo at Pokwang ay kilalang magkaibigan kahit magkaiba ang kinabibilangang TV network. Magkapitbahay rin kasi ang dalawa at madalas na bumibisita sa isa�t-isa.

�Bukas, masusubok ang pagka-judgemental ng ng judge natin for tomorrow. Si Pokwang,� magiliw pang anunsyo ni Paolo.

Natuwa naman ang isa pang host na si Jose Manalo sa paggi-guest ng kapwa niya komedyante. Biro pa nga nito,

�Naku! Anong masusubok, eh judgemental talaga �yan.�

      Imahe galing sa Google

Sa sumunod na araw, ika-20 ng Hunyo, nakatakda ang guesting ni Pokwang.

Marami naman ang natuwa dito lalo na ang mga tagahanga ni Pokwang na namiss ang komedyante.

Nagpahayag ang mga ito ng pagsuporta sa muling paglabas ni Pokwang sa telebisyon.

Ngunit, ang Kapamilya star ay kilalang isa sa mga artista ng ABS-CBN na lubos ang pakikipaglaban at pagtatanggol sa kanyang home TV network.

Kaya naman, naiintriga rin ang iba kung ang paglabas ba umanong ito ni Pokwang sa Kapuso Network ay isang hudyat na rin ng plano nitong paglipat sa GMA.

Kagaya ng tuwa ng mga tagasuporta nito, makikita rin kung gaano kasaya si Pokwang nang dumating na nga ang araw ng guesting nito sa Eat Bulaga.

Sa loob ng tatlong buwan, ngayon pa lang ulit lumabas sa telebisyon ang komedyante kaya naman, halos mapaiyak si Pokwang sa tuwa.

      Imahe galing sa Google

�Naiiyak ako... huwag gano�n! Hindi, totoo ito...

�Kasi, Bossing, thank you po sa lahat. Thank you! Ang tagal... pero ano po, na-realize ko sa tatlong buwan, ngayon, kaninang bago pumunta rito, ngayon ko lang naramdaman na...

�Ang sarap pala na nakapag-shave ka ng kili-kili. Nagupit mo yung buhok mo sa ilong. Ang saya-saya ko, Bossing!,� saad pa ni Pokwang.

�Kasi kung hindi pa ako maggi-guest dito, hindi talaga ako magse-shave, ha!,� dagdag pa nitong biro.

Hindi maikakaila na labis ang kasiyahan ng komedyante sa muling paglabas sa telebisyon kahit ito ay sa kabilang network.

Maliban sa pagtatanggol sa ABS-CBN, kilala rin si Pokwang bilang isa sa mga artista na naghayag ng nais na magkaisa ang bawat TV network.

Kaya naman, ang guesting na ito ni Pokwang ay isang malaking hakbang sa minimithi nitong pagkakaisa.

      Imahe galing sa Google

Dati nang nagkasama sina Bossing Vic Sotto at Pokwang sa isang proyekto kaya naman nabuo na rin ang matibay na pagkakaibigan sa mga ito.

Minsan nang nagsama ang dalawa sa 2019 Metro Manila Film Festival Entry na �Mission Unstapabol: The Don Identity�.

Mas nangibabaw pa rin ang mga nagpahayag ng saya sa nangyaring guesting ni Pokwang sa Kapuso. Marami ang natuwa sa naturang pagkakataon ng animo�y pagkakaisa ng mga Kapuso at Kapamilya.

Hindi lamang si Pokwang ang artista mula sa ABS-CBN na naging panauhin din sa Eat Bulaga.

Ilang linggo ang nakakaraan, minsan na ring lumabas sa programa ang BuDaKhel, o ang grupo nina Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan.

Source: trendzph & PEP

No comments:

Powered by Blogger.