Edu Manzano, Proud Sa Paninindigan Ng Anak Na Si Enzo Manzano Sa Ginawa Nitong Solo-protest


Naging trending kamakailan lang sa social media nag larawan ng isang lalaki na mag-isang nagprotesta sa harap ng United Nations headquarters at Philippine Consulate sa New York.

Nakilala ang lalaking ito na si Enzo Manzano, na anak pala nina Edu Manzano at ng dating model na si Rissa Samson.

Hawak ang isang placard, sa unang araw ng one-man protest ni Enzo laban sa gobyerno ay tumayo at nanatili umano ito ng mahigit sa tatlong oras.

Heto ang mga naging laman ng mga placards na bitbit ni Enzo:

�THE PHILIPPINE GOVERNMENT IS DESTROYING MY COUNTRY'S DEMOCRACY! HEAR US NOW (BEFORE IT'S TOO LATE).�

�TO FILIPINOS OVERSEAS: WE MAY HAVE LEFT THE COUNTRY BUT LET�S NOT ABANDON OUR PEOPLE.�

�DUTERTE AND THE PHILIPPINE GOV�T ARE TAKING AWAY MY PEOPLE�S BASIC RIGHTS.�

�FILIPINOS CAN�T PROTEST� SO I HOPE THE WORLD CAN SEE US INSTEAD.�


Naging trending at pinag-usapan online ang ginawang ito ni Enzo. Umani ito ng mga papuri lalo na galing sa mga kapwa Pilipino na pareho rin ang ipinaglalaban.

Sa panig naman ni Edu, wala umano siyang kaalam-alam sa ginawa ng anak. Ngunit, proud na proud ang aktor dahil sa naging paninindigang ito ni Enzo.

�Aaminin ko po at titingnan ko kayo sa mata, wala akong kaalam-alam diyan.

�Pero sisihin ko rin ang sarili ko, because nung bata pa sila at nung lagi kaming magkasama, lagi kong sinasabi, �Kung meron kayong gustong sabihin, sabihin ninyo.�

�Napaka-liberal ko sa aking mga anak na wala akong itinatago sa kanila at ayokong may itinatago sila sa akin,� ani pa ni Edu sa isang panayam.

Si Enzo ay nag-aral ng elementarya sa Xavier School at La Salle Greenhills. Nagtapos naman ito ng kolehiyo sa De La Salle University. Ipinagpatuloy naman nito ang post-graduate studies sa University of California, Los Angeles (UCLA).


Ayon kay Edu, maliban sa pagiging �Dean�s Lister� ng anak sa kolehiyo, si Enzo umano ay likas na �achiever�. Kaya naman, hindi na nakakapagtaka ang pagiging liberal nito at pagkakaroon ng ipinaglalaban at paninindigan.

Kahit hindi niya umano alam ang ginawa ni Enzo, hindi na rin umano siya nagulat na kaya itong gawin ng anak.

�Kung susundan mo siya... hindi ko sinasabing sundan niyo ang kanyang Facebook. Meron na siyang mga ginagawang videos tungkol sa history ng EDSA revolution, meron pa siyang kay Magsaysay.
Talagang mahilig siya sa pulitika� yeah, political science and journalism ang anak ko.

�So, hindi ako napagsabihan, pero hindi ako nagulat nang maisip niya �yan.

�Lahat ng anak ko, alam ko, mataas ang kanilang natutunan. Lahat nakapag-graduate, at doon ako proud sa kanila. Responsable naman sila pagdating sa paggawa ng kanilang mga desisyon,� kwento pa ni Edu.


Suportado at sang-ayon naman umano si Edu sa pagiging liberal ng anak at maging ng iba pang mga kabataan ngayon. Binigyang diin niya pa nga ang importansya ng mga ito lalo na sa kasalukuyan panahon.

�Ang Pilipino ang totoong kayamanan sa ating bansa. Ang boses nila ang importante.

�Pero sana, kapag tayo ay nagki-critique at gusto nating punahin ang isang tao, gawin ho nating issue-based. Tungkol lang ho talaga sa issue. Hindi yung bastusan. Napakatindi natin magsulat ngayon, pero hindi issue� kung sinu-sino ang iniinsulto�

�I do believe that ang boses ay importante.

"Pero kapag tayo ay mag-disagree ay kailangan binabase doon sa sinasabing pag-uusap o discourse,� opinyon pa ng aktor.

Source: PEP

No comments:

Powered by Blogger.