Isang Binatilyo, Patay Dahil Umano Sa Pagkalulong Sa Mobile Legends


Dahil umano sa sobrang pagkalulong sa online game na Mobile Legends o ML, pumanaw ang isang 15 anyos na binatilyo sa General Santos City.

Kinilala ang binatilyong ito na si Ashton Kyle Alferez ng Purok 5, Brgy. Katangawan sa General Santos City.

Ayon sa ulat, ang lalaking ito umano ay masyadong nahilig sa paglalaro ng ML. Mas naging grabe paumano ang paglalaro nito sa naturang online game nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine.

Ito umano ang naging pangunahing libangan ni Alferez, ayon mismo sa kanyang ama.

Sa sobrang pagkahumaling umano nito sa laro, madalas ay nakakaligtaan na umano nito ang pagkain. Maging ang pagtulog nito ay apektado na rin dahil sa ML.

Madalas umano itong puyat at kulang sa tulog dahil mas nauuna ang paglalaro.


Kaya naman, nitong ika-31 ng Mayo, nang isugod sa ospital si Alferez ay binawian ito ng buhay.

Ayon sa doktor, cardiac due to radiation umano ang ikinamatay ng pasyente. Ayon rin sa isang ulat ayon umano sa isang pagsusuri, mayroon din pala umano itong leukemia.

Ang pagpanaw umano ni Alferez ay resulta ng pag-abuso nito sa katawan bunsod ng sobrang pagkahilig sa paglalaro ng ML.

Ayon sa ama nito, mula pagkabata ay hindi pa umano nila nadadala sa ospital ang anak. Malusog naman umano kasi ang pangangatawan nito.

Dahil sa pagpanaw ng anak, nagluluksa ngayon ang ama at pamilya ni Alferez. Payo ngayon ng mga ito, huwag umanong hayaan ang mga anak na malulong ng sobra sa laro at maabuso ang katawan dahil ito umano ang naging dahilan ng pagpanaw ng binata.

Ang pagpanaw na ito naman ng binatilyo ay ikinabahala ng marami. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami ang lubos na nahuhumaling sa larong Mobile Legends.


Kaya naman, ang nangyaring ito ay isang paalala at babala sa mga taong pinapabayaan ang katawan dahil mas inuuna ang paglalaro ng ML.

Hindi biro ang maaaring maging resulta ng kapabayaang ito na maaaring magresulta sa pagsuko ng katawan.

Marami naman ang mga opinyon na ibinagi ng mga netizen tungkol sa pangyayaring ito. Ang karamihan sa mga ito ay mga pagpapaalala sa mga kakilala na bawas-bawasan o tuluyan nang ihinto ang sobrang paglalaro ng online games.

Heto pa ang ilan sa mga opinyon na ibinahagi ng mga netizen:

�Parents have the full control of their children. Discipline your child early, reprimand them. Do not blame the gadget/games, you all have the rational will to take it away from him.�


�Isa din ako sa mga anak ko namumuroblema dahil sa kalalaro sa computer. Kapag hindi ko sila napansin talagang hindi sila magkukusa kumain. Talagang libang na libang sila sa sarili nila hanggang gabi ganon ginagawa nila. Kailangan talaga hawakan sila sa leeg para sumunod talaga at bantayan sila.�

�Sana nga alisin na �yang mga laro na yan. Marami talaga nababaliw dyan sa mga laro na yan. Isa na mga anak ko� halos sagutin ako pag sinasaway ko sila.�

Source: facebook

No comments:

Powered by Blogger.