Jessy Mendiola, Bakit Nga Ba Nasabing �I�m finally free� Sa Kanyang Instagram Post


Sa isang Instagram post, ibinahagi ng 27 taong gulang na aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang naging bagong realisasyon umano sa kanyang buhay.

Saad dito ni Jessy,

�I�m finally free�

�I�m finally free of doubts, anger and insecurity.�

Ayon kay Jessy, inamin niyang nagpaapekto umano siya sa hindi magandang mga komento tungkol sa kanya ng ibang tao dati.

Dahilan ito upang hindi niya umano makita noon ang halaga ng kanyang buhay at ang parati nitong pagkakaroon ng duda sa sarili.


�My whole life I�ve been in a constant battle with myself�

�I kept losing myself just because I wanted to please others. I was afraid to do so many things that made me happy because I was worried that others would judge me. I�ve let myself become someone else, all those years I kept hating myself for always giving so much to other people that I kept forgetting how to love myself,� saad ni Jessy.

Inuna niya umano dati ang pagsunod sa kagustuhan ng ibang tao kaya nakalimutan niya na umano kung ano ang tunay na nagpapasaya sa kanya.

Ngunit, matapos ng lahat ng ito, ang pagbabalik loob niya umano sa Diyos ang nagbigay sa kanya ng panibagong kapayapaan sa kanyang buhay

Ayon kay Jessy, natagpuan niya na umano muli ngayon ang kanyang sarili. Lahat ng mga kamalian at sakit na naramdam nito sa nakaraan ay kanya na umanong pinakawalan.


�My entire life, I felt like I was on a roller coaster ride that would never end but finally, it has ended.

�I finally feel at peace.

�I�ve lost who I was and now I found myself again only to learn that God has never left my side, he showed me how worthy I am and what I am capable of doing. For the longest time I was blinded by things I didn�t need in my life. I�ve been searching for peace in my heart and finally I found it,� dagdag pa nito.

Inilahad dito ni Jessy ang malaking pasasalamat niya sa Diyos. Dahil umano sa panibagong realisasyon niyang ito sa kanyang buhay, muli niyang natutunan na pahalagahan at mahalin ang kanyang sarili.

Ani pa nga ni Jessy,

�God woke me up and made me realize my worth as a human being. He made me realize that He had been there all along in every step that i took in my life.

�He CHANGED me. He changed my ways, my thinking and my perspective in life. He taught me how to value myself again and I�m just so grateful��


Kaya naman, lubos ang pasasalamat niya sa bagong kapayapaan na tinatamasa niya ngayon na kahit kailan ay hindi niya pa umano naranasan dati.

Dahilan ito upang masabi na sa wakas ng aktres, matapos ang lahat ng kanyang ipinagdaanan, ang pagiging masaya nito ngayon sa pagiging buo na ulot ng kanyang pagkatao.

�It�s a wonderful feeling. I am whole again. I am not afraid anymore. I�m taking the leap.

�I am free,� pagbabahagi pa ni Jessy.

No comments:

Powered by Blogger.