Manny Pacquiao, Tatakbo Umano Sa Pagka-Presidente Sa 2022 Elections


Ayon umano mismo sa dating boxing promoter ng boxing legend na si Senator Manny Pacquio na si Bob Arum, kakandidato umano si Sen. Pacquiao sa pagka-Presidente sa darating na 2022 Elections.

Ang ulat na ito ang naging pangunahing balita sa isang tabloid sa United Kingdom. Ayon dito, si Arum umano mismo ang nagkumpirma ng naturang balita sa kanila.

�PRESIDENT PAC-MAN. Boxing Legend Manny Pacquiao will run for president in the Philippines in 2022 having been a senator since 2016,� saad pa sa headline ng naturang pahayagan sa UK.

Sa kwento pa umano ni Arum, ipinaalam umano sa kanya ni Sen. Pacquiao ang naging desisyon nito at inimbita pa umano siya sa magiging inauguration ni Sen. Pacquiao kapag ito umano ay nanalo.

�The first president I think we�ll get as a fighter is little Manny Pacquiao, who told me, once again.

�I did a Zoom telephone call with him,� Bob, I�m gonna run in 2022 and, when I win, I want you there at my inauguration,� saad pa ni Arum.


Ang planong ito ni Sen. Pacquiao sa 2022 ay ipinaalam naman umano ni Arum sa World Boxing Council President na si Mauricio Sulaiman.

Mabilis naman na umabot sa Pilipinas ang balitang ito, dahilan upang agad maging trending si Sen. Pacquiao.

Sa Twitter kung saan agad naging trending topic ang �Manny Pacquiao�, kanya-kanyang labas ng opinyon ang mga netizen sa balitang ito ng nakatakda umanong pagtakbong presidente ni Sen. Pacquiao.

Bagama�t nitong panahon ng pandemic ay umani ng mga papuri at paghanga ang senator, marami ang nagpahayag ng pagtutol sa planong ito ni Sen. Pacquiao.

Ayon sa mga opinyon na inilabas ng karamihan, hindi umano sapat ang kakayahan at kaalaman ng senator at atleta upang mapatakbo ng maayos ang isang buong bansa.


Kahit na kilala at subok na ang pagiging matulungin ni Sen. Pacquiao, pananaw ng karamihan ay hindi pa rin ito sapat.

Noong una, bago manalong senador ay umani rin ng mga pambabatikos si Sen. Pacquiao. Ngunit, kalaunan ay nakuha na rin nito ang tiwala ng mga mamamayan dahil sa mga pinatunayan nito lalo na ang pagkilos ng para sa ikabubuti ng nakararami.

Gayunpaman, ang panibagong plano na ito ni Sen. Pacquiao ay hindi pa aprubado para sa nakararami.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Arum tungkol sa pagpasok ni Sen. Pacquiao sa politika at sa mga posisyon na tatakbuhan nito.

Sa isang panayam kay Arum sa international press na TMZ.com noong Abril taong 2015, isinaad din nito na sigurado siyang tatakbo si Sen. Pacquiao sa pagka-presidente.


�He�s gonna be a president�

�He's gonna run for Senate in the Philippines in 2016 ... and then in 2022 or maybe later, he'll run for President of the Philippines,� saad niya pa dito.

Gayunpaman, sa Pilipinas ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Sen. Pacquiao tungkol sa paksang ito.

Hindi pa naman nito kinukompirma o itinatanggi ang naturang posibilidad ng pagtakbo bilang presidente.

Source: PEP

No comments:

Powered by Blogger.