Isang lalaki Sa Cebu, Ipinagpalit Ang Kanyang Kotse Para Ibili Ng Relief Goods At Ipamimigay Sa Mga Nangangailangan

Upang makatulong sa mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng krisis dahil sa COVID-19, isang lalaki galing Cebu ang ibinarter ng kanyang sasakyan kapalit ng nga relief goods.

Ang 35 taong gulang na si Mark Lorenzo Bas ay walang pagdadalawang isip na ipinagpalit ang kanyang sasakyan na 1993 Mitsubishi Lancer sa mga relief goods tulad ng bigas, de lata, at noodles na nagkakahalaga ng Php 125 000.

Sa pamamagitan ng Facebook page na Cebu Barter Community, nakuha niya ang naturang mga relief goods kapalit ng pagsasakripisyo nito sa sariling kotse.

Ayon kay Bas, para umano ang tulong na mga ito sa mga taong lubos na nangangailangan lalo na sa mga bata sa iba�t-ibang parte ng Cebu.

Dagdag pa ni Bas sa pahayag na kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook account, kung sinuman umano ang nangangailan ng tulong ay handa umano itong tumulong.

Ipaalam lamang umano ito sa kanya at siya na umano ang personal na maghahatid ng tulong.


Ang kabutihang loob na ito ni Bas na handang isakripisyo ang kanyang ari-arian para lamang makatulong sa mga lubos na mahihirap ay hinangaan ng marami.

Ayon kay Bas, kaya niya umano ito ginagawa ay dahil alam niya umano ang pakiramdam ng hirap at pait ng buhay dahil sa kahirapan.

Kwento pa nito, naranasan umano ni Bas na maghirap gaya ng kanyang mga tinutulungan.

Umabot pa umano sa punto dati na nanghihingi lamang sila ng tirang kanin sa kapitbahay upang mayroong makain.

Kadalasan pa umano ay saging lang ang kanilang kinakain sa almusal at hapunan.
Ang pinagdaanang ito ni Bas ang marahil ay malaking dahilan kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan nitong tumulong sa mga mahihirap.


Si Bas ay dati rin umanong Overseas Filipino Worker. Ayon sa kanya, nagsimula umano itong magbahagi ng tulong sa mga nangangailangan nang mapabilang ito sa Alpha Phi Omega Fraternity.

Mula dito, nagtuloy-tuloy na ang pagtulong ni Bas sa mga mahihirap.

Mayroon na rin ito ngayong sariling organisasyon na kanyang itinayo para makatulong sa mga mahihirap.

Matapos umano ang 12 taon, itinayo ni Bas ang �MLB Foundation� na naglalayong sumuporta at tumulong sa mga bata sa kalye, mga matatanda sa mga home for the aged, mga batang walang magulang, at sa iba pang mga nangangailangan tulad ng mga taong dinapuan ng malulubhang mga sakit tulad ng cancer at polio.

Ayon kay Bas, tuloy-tuloy lamang umano ang gawain nito ng pagtulong sa mga kapwang nangangailangan.

Para naman umano sa mga katulad niya na nais din makatulong lalo na ngayong panahon na mas marami ang nangangailangan, maari umanong magbigay ng donasyon sa pamamagitan nito sa kanyang Facebook account.
Ang mga taong katulad ni Bas ang lubos na kailangan ngayon ng karamihan lalo na�t maraminang mga taong lubos na umaasa na lamang sa mga tulong at donasyon matapos ang mga hindi magandang epekto ng pandemya.

Sana ay dumami pa ang mga taong katulad ni Bas na mayroong mabuting puso na handang tumulong sa mga lubos na nangangailangan.

No comments:

Powered by Blogger.